|
Post by nicky on Nov 4, 2011 0:47:54 GMT 8
Jennylyn, ‘di payag maging kabit ni Raymart!Hindi naman tama na madawit si Jennylyn Mercado sa isyu nina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Hindi naman kailangan ni Jen na pumatol sa isang may-asawa lalo na at napakaganda niya at kahit may anak na siya ay taglay pa rin niya ang kutis ng isang dalaga. Kaya nga raw naloloka si Jen. Dami naman single at hindi naman siya nauubusan. Talbog!!!! Siya nga raw ang hinahabol ng mga lalaki, noh! Kaya bakit siya papayag na maging kabit? Busy nga pala si Jennylyn sa Showbiz Central, Protege at Party Pilipinas. Kaya saan ka pa lulugar niyan? Meron pang Lucky Manzano na umaaligid sa kanya. abante, JOE BARRAMEDA, 11/4/11
|
|
|
Post by jefflly on Nov 5, 2011 5:23:20 GMT 8
Jennylyn ang laki na ng ipinagbago!Ang laki na ng improvement ni Jennylyn Mercado! Hindi lang siya isang magaling na artista, magaling na rin siyang host. Ang maganda kay Jennylyn, sabay sa pag-unlad ng kanyang career ay ang malaking pagbabago niya physically. Ang laki ng iginanda niya’t isineksi. I’m sure ang dami-dami ng naiinggit ngayon kay Luis Manzano for having a beautiful girl for his girlfriend. Ituluy-tuloy mo pa ang pagpapabuti sa sarili mo, Jen, at sigurado ako na malalampasan mo pa ang itinakda mo sa iyong sarili. Good luck sa ’yo! philstar, kuya germs, 11/5/2011
|
|
|
Post by nicky on Nov 11, 2011 20:02:28 GMT 8
Jennylyn Mercado's new tribike.
|
|
|
Post by nicky on Nov 11, 2011 20:03:55 GMT 8
JENNYLYN [fantext]: Good morning Kapuso! Training muna ako para sa duathlon sa Nov. 19. Magru-run at biking ako today. Kasama ko si Coach Jojo ngayon. Good luck sa akin! Hehehe.. Protege wag nyo kalimutan panoorin ha? Salamat po! 11:57 am 11/11/11 /credit din of JO @pex credit: jlee19 @pex
|
|
|
Post by nicky on Nov 11, 2011 20:09:19 GMT 8
Watch out for Jennylyn Mercado this Saturday at Kapuso Mall Show at Parkmall Plaza in Cebucredit: Jennylyn Mercado's fanpage
|
|
|
Post by jefflly on Nov 13, 2011 3:12:42 GMT 8
Jennylyn Mercado in Protege@zoyazzzzzzz Zoya @dynamiterai Sino yan?? Sa InsideProtege ba? Hahaha. Iba talaga kpg di si @mercadojen ang nagvoice over. Pero mabuti dun siya sa intro. 3 hours ago @zoyazzzzzzz Zoya @naan01 @dynamiterai @mercadojen Alam na! Basta may mallshow ng sabado expect na hindi siya ang voice over. Pero andun nmn siya intro. 3 hours ago mercadojen Jennylyn Mercado @ @zoyazzzzzzz --tama! =) 3 hours ago
|
|
|
Post by jefflly on Nov 13, 2011 3:14:28 GMT 8
|
|
|
Post by nicky on Nov 13, 2011 4:06:22 GMT 8
|
|
|
Post by LuisJen on Nov 14, 2011 5:37:41 GMT 8
Jennylyn hosted Protege Gala night
mercadojen Jennylyn Mercado On my way to moa... Live gala I'm comming. 12 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado @thinkverypink --5pm call time sa live gala... =( running late. 12 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado 8:15 po ang live gala! =) please watch! 10 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado MOA na! =) 11 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado Please pray for me! =) live gala po mamaya wag niyo kalimutan! =) isang protege-mentor tandem nanaman ang ... m.tmi.me/ie5cY 11 hours ago
daetues Tuesday Ayn A. S @mercadojen what shoes r u wearing po pla??=D 12 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado @ @daetues --YSL po. 12 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado Salamat po sa lahat ng nanuod ng live gala... Love you guys... 7 hours ago
>>>= affected by Nomer's departure =<<<
mercadojen Jennylyn Mercado Si mommy lydia ko cant stop crying... Sobrang emotional sa pagkawala ni nomer... 6 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado Tom taping ako ng inside protege wala na si nomer... Noooooooooooo..... =( 7 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado @miapoink @daetues --muntik ako magbreakdown dun jusko... Hoooooooh... 7 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado Nomer.... We will miss you... =( wala ng baby sa protege quarters... Waaaaah!! Ang bigat ng feeling.. 7 hours ago
>>>= positive feedback on Jen's hosting =<<<
dyonisii Dennis Lazo pleasantly surprised with how jennylyn mercado hosts on #protege. magaling.
redphoenixz Jeph Reodica Parang news anchor magsalita si Jennylyn Mercado... pero maganda dating... #Protege
erickherras Erick Herras Abel™ ✔ Nasa Live gala na din si Jennylyn di na lang sya pang @insideprotege!. #Protege
|
|
|
Post by LuisJen on Nov 14, 2011 5:44:21 GMT 8
Jennylyn clueless what to give Vilma Santos on her birthdayMANILA, Philippines -- Following her one-on-one TV interview with Batangas Governor Vilma Santos, it can now be told that Jennylyn Mercado shares a wonderful relationship with her rumored boyfriend Luis Manzano’s mother. The actress-politician celebrated her birthday Nov. 3 and has taken a break from work as she devoted a two-week out of the country vacation with her family. However, Luis was not able to join them on vacation, Jennylyn said in an interview with Bulletin Entertainment during a recent Iloilo trip. When asked if she has given the Star for All Seasons a gift on her birthday, Jennylyn answered: “Ahm… diyan papasok yung hindi mo alam yung ireregalo mo kasi parang nasa kanya (Vilma Santos) na ang lahat eh. Ang hirap mag-isip kung ano bang dapat iregalo sa isang tao na parang nasa kanya na lahat.” Gov. Vilma earlier expressed her fondness for Jennylyn, dispelling rumors she is not in favor of the latter for her son. “She’s (Jennylyn) very nice. She’s very nice in a way na taong-tao kasi eh. Totoo eh. Kalog din kasi. Alam niyo naman si Luis napaka-kalog ‘di ba? Pasensiya na kayo sa kakalugan nung anak ko pero ganun talaga yun kaya masayang tao yun and siguro kaya sila nagki-click in a way, kalog din si Jen eh. Parang ano rin eh, down-to-earth,” she said in an interview posted on Push.com.ph. Vilma also asked the kapuso singer-actress to take care of her son. “You take care of Lucky (Luis’ nickname) ha. You take care of my son ha,” she told Jennylyn, who replied: “Yes tita, I will, I will.” Singing takes a back seatUpon entry to showbiz, Jennylyn has been recognized for her singing talent. For those who missed the “Kahit Sandali” singer’s voice, Jennylyn divulged that another album under Viva Records is on its way next year. Asked on her thoughts about writing original songs for her upcoming album, Jennylyn said: “Mahirap kasi magsulat ng kanta eh. Lalo na, kailangan yung melody catchy, para mas maging maganda yung dating sa tao… mas makuha nila yung melody. Di mo alam kung magki-click.” The singer behind the “Moments Of Love” remake also addressed the common practice of reviving songs among singers. “Karamihan na [sa mga recording artists] ngayon, they just do revivals para mas maging familiar sa tao. Iibahin na lang yung arrangement ng song para mas madaling makaka-relate yung tao. Mahirap na kasi gumawa ngayon ng original song but I still want originals for my next album,” Jennylyn explained. The “Starstruck” winner has just finished a TV serial “Futbolilits.” Hosting challenges her, according to Jennylyn, who juggles through GMA shows “Party Pilipinas,” “Protégé” and “Showbiz Central.” Manila BUlletin, JECELYN V. MACAHINDOG, November 13, 2011, 1:22pm
|
|
|
Post by jefflly on Nov 15, 2011 0:19:12 GMT 8
PIK : Tuwang-tuwa si Jennylyn Mercado dahil pawang papuri ang natatanggap niyang feedback nang mag-host ito sa live elimination ng Protégé kamakalawa ng gabi. Nasa Amerika si Dingdong Dantes kaya si Jennylyn ang pansamantalang pumalit sa kanya. Si Luis Manzano ang isa sa mga tumutok sa Protégé at nag-text ito kay Jennylyn para i-congratulate. Hindi rin napigilan ni Jennylyn na maging emotional dahil sa pagkatanggal ng 10-year-old contestant ni Rachelle Ann Go na si Nomer Limatog. /via Philstar, sol gorgonio, 11/15/2011
|
|
|
Post by jefflly on Nov 15, 2011 2:09:22 GMT 8
Marami ang pumuri sa hosting job ni Jennylyn Mercado sa live episode ng Protégé kamakalawa nang gabi. Nasa Amerika ang main host ng Protégé na si Dingdong Dantes kaya pinakiusapan si Jennylyn na siya muna ang pumalit kasama si Ogie Alcasid. Nag-enjoy si Jennylyn, pero medyo emotional din siya nang matanggal ang pambato ng Cebu na batang si Nomer Limatog kasama ang mentor nitong si Rachelle Ann Go. Ang isa sa tumutok kay Jennylyn sa programang iyun ay si Luis Manzano. Tuwang-tuwa siya dahil na-impress si Luis sa kanyang performance. Gusto ni Jennylyn na mahasa lalo sa hosting kaya pinag-aaralan niya itong mabuti. Nagpapasalamat si Jennylyn sa GMA 7 dahil nabigyan siya ng break nang magpakitang-gilas siya sa hosting niya sa Showbiz Central kaya kinuha siya sa Protégé. Natutuwa ang manager niyang si Becky Aguila dahil pursigido si Jennylyn na madiskubre ang iba pa niyang talent at ang iba pang nakakahiligan nito ngayon, ang sports at pagbi-bake ng cake. Sinubukan ni Jennylyn na magbenta ng mga gawa niyang cupcakes sa tiange ng isang kaibigan, ang bilis maubos kaya kapag may libre siyang oras, tuluy-tuloy ang paggawa niya ng cupcakes. Pursigido rin si Jennylyn sa pag-eensayo sa pagtakbo at biking. Nakatakda siyang sumali sa Duathlon event sa Sabado sa Nuvali sa Sta. Rosa, Laguna. Todo ang ensayo ni Jennylyn sa running at biking, dahil diyan siya ang isasalang sa Duathlon na sasalihan niya. Umiitim siya dahil sa isinisingit niya ang pag-eensayo. Excited din si Jennylyn, lalo na ang Mommy Lydia niya dahil meron siyang bagong endorsement kasama ang anak na si Jazz. Isang brand ng furniture itong ie-endorse ng mag-ina kaya excited sila na magkakaroon ng pictorial ngayong araw. Wala nang panahon si Jennylyn na pansinin pa ang mga negatibong isyu dahil marami siyang pinagkakaabalahan na positibo at nakakatulong sa kanya. abante-tonite, Gorgy Rula, 11/15/2011
|
|
|
Post by jefflly on Nov 15, 2011 2:13:12 GMT 8
JENNYLYN [FanText]: Good morning guys! Taping ako later today ng Protege. Whoah! Sarap ng traing with coach Jomac! Salamat po sa lahat ng nanood kagabi ng Protege Live Gala.10:55am 11/14/11 /credit din of JO @pex
|
|
|
Post by jefflly on Nov 16, 2011 1:49:54 GMT 8
scoopbox: Kasalukuyang ginaganap ang pictorial ni Jennylyn Mercado at ang anak niyang si Alex Jazz para sa isang furniture brand. First endorsement ito ng mag-ina. about 8 hours ago
JENNYLYN: Good morning mga kapuso! May pictorial kami ni Jazz today para sa bago naming endorsement na furniture. Abangan nyo ha?... Thank you po sa inyong lahat! 9:42am 11/15/11 /credit to Din of JO @pex
|
|
|
Post by nicky on Nov 17, 2011 0:41:18 GMT 8
PIK : Excited sina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia sa first na trabaho ng kanilang anak na si Alex Jazz. Kinuha kasi sina Jennylyn at Alex Jazz na mag-endorse ng isang brand ng furniture at nagkaroon na ng pictorial kamakalawa ng hapon. “Natuwa ako nung pinadala sa bahay ang kontrata ni Jazz. Ang cute-cute naman, may endorsement na ang anak ko,” natatawang pahayag ni Jennylyn. Excited din si Patrick, kaya pumunta ito sa pictorial para tingnan din ang kanyang anak. Sabi ni Jennylyn, tama na muna ang ganung endorsement ni Jazz. Ayaw nilang pagtrabahuhin ito dahil gusto nilang mag-focus lang sa pag-aaral. www.philstar.com/Article.aspx?articleId=748918&publicationSubCategoryId=96
|
|