|
Post by jefflly on Oct 28, 2011 2:35:10 GMT 8
"kung gusto ng mag-asawa manahimik sana naman linisin nila pangalan ni jennylyn or pag di kaya ni claudine, kahit si raymart na lang sana." RAYMART, ‘DI KAYANG MAMBUGBOG! Claudine-Raymart, nananatiling tahimik sa isyu! Jennylyn, idinawit sa isyu nina Claudine-RaymartAng isa pa sa ipinagtataka namin, bakit nadadamay si Jennylyn Mercado sa isyu? May mga nagpaparating na merong namamagitan sa kanila ni Raymart na parang ayaw naman namin paniwalaan dahil very much involved naman si Jennylyn kay Luis Manzano. Sinubukan naming hingan ng reaksyon si Jennylyn sa pamamagitan ng kanyang manager na si Becky Aguila pero hindi pa kami sinasagot as of presstime. read more at abante-tonite, ni gorgy rula, 10/28/11
|
|
|
Post by steff on Oct 28, 2011 8:32:21 GMT 8
"etong si Salve de Asis, pang 3rd day na write up nya na sinasabit si Jennylyn Mercado sa problema ni Claudine Barreto at Raymart Santiago" [/i][/quote] ndi kaya yan si Salve de Asis eh publicist ni Angel L.. ndi nya tinatantanan c Jen ha...
|
|
|
Post by jefflly on Oct 29, 2011 2:19:13 GMT 8
"etong si Salve de Asis, pang 3rd day na write up nya na sinasabit si Jennylyn Mercado sa problema ni Claudine Barreto at Raymart Santiago" [/i][/quote] ndi kaya yan si Salve de Asis eh publicist ni Angel L.. ndi nya tinatantanan c Jen ha... [/quote] wala yatang publicist si angel ..neweiz, tumigil na rin si salve ngaun.. all about clau at raymart na lang sinulat nya
|
|
|
Post by jefflly on Oct 29, 2011 2:20:31 GMT 8
Jennylyn: I'm not a homewreckerNag-react si Jennylyn Mercado sa Twitter sa pagdadawit sa kanya sa isyu nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. First tweet nito: “Narinig ko na ’yan. Haha! Parang mga sira noh! Parang too late na ’yun para sa Futbolilits promo. May respeto ako sa pamilya ng may pamilya. So not true.” Sunod na tweet ay: “It’s a beautiful day! ’Wag na natin sirain araw natin. Importante wala tayong tinatapakan at sinisirang tao at pamilya. I’m happy sa takbo ng career at relationship ko sa family & friends ko.” Sinundan pa ng: “May mga single naman… ’wag naman ako idamay sa pamilyado. Thanks. May pinagdadaanan kasi ’yung ibang mga tao dinadamay ako. Laughtrip sila.” Samantala, na-tweet din ni Jennylyn na may bonding sila ng mga protégés, kung saan, siya ang host sa Inside Protégé. Nang ma-interview namin ito, sina Kenneth Monico at Lirah Bermudez ang tingin niya malakas ang laban, nagbago na kaya ang choices niya o nadagdagan? /via journal, nitz mirallez, 10/29/2011
|
|
|
Post by jefflly on Oct 31, 2011 0:50:55 GMT 8
Jennylyn Mercado on Claudine Barretto-Raymart Santiago issue: "Problema ng mag-asawa 'yan, huwag na akong idamay!"
Sa nangyayaring isyung sa pagitan ng aktres na si Claudine Barretto at mister nitong si Raymart Santiago, may mga taong nakaladkad sa kontrobersiya. Isa na rito ang actress/TV host na si Jennylyn Mercado. Co-star ni Raymart si Jennylyn sa katatapos lamang na TV series ng GMA na Futbolilits. At sa panayam (via taped interview) ng Startalk TX kay Jennylyn na ipinalabas kahapon, October 29, sinabi ni Jennylyn na... "Ano naman, problema ng mag-asawa 'yan, huwag na akong idamay! "Tsaka kung meron man silang problema, problema na nila yun, ayoko ng sumama sa mga ganyang isyu. "At huwag na sana nila akong isasama sa mga ganyan dahil nakakaano, hindi maganda sa akin, lalo na may anak ako, di ba? "Puwede naman sa single, huwag naman sa ano, sa may-asawa," ang naging pahayag pa ni Jennylyn. /via PEP, Rommel Gonzales, Sunday, October 30, 2011 09:01 AM
|
|
|
Post by jefflly on Oct 31, 2011 3:28:32 GMT 8
Jennylyn irritated by Raymart issue Sa Startalk TX last Saturday ay nagpahayag si Jennylyn Mercado ng kanyang reaksyon hinggil sa pagkakadawit niya sa problema ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto. "Ano naman, problema ng mag-asawa ’yan, huwag na akong idamay,” she said. Dagdag pa niya, “saka kung meron man silang problema, problema na nila ’yun, ayoko ng sumama sa mga ganyang isyu. At huwag na sana nila akong isasama sa mga ganyan dahil nakakaano, hindi maganda sa akin, lalo na may anak ako, ’di ba? "Puwede naman sa single, huwag naman sa ano, sa may-asawa.” Matatandaang nagkasama sina Jennylyn at Raymart sa Futbolilits sa GMA-7 pero natapos at natapos ito nang wala namang issue sa kanila kaya nakapagtatakang biglang lumilitaw ngayon ang pangalan niya sa Raymart-Claudine controversy. Nag-issue na rin ng official statement ang mag-asawa na hindi totoong hiwalay na sila kaya dapat na rin sigurong matigil ang pagdadawit sa pangalan ni Jen. Besides, may Luis Manzano siya na lagi niyang kasama at matiyagang nanliligaw sa kanya during those times na ginagawa ni Jen ang Futbolilits kaya hindi rin namin maisip kung paano magiging totoo ang tsismis about her and Raymart. Journal, October 31, 2011, Written by : Vinia Vivar
|
|
|
Post by jefflly on Oct 31, 2011 22:10:02 GMT 8
Jennylyn Mercado on her involvement to the rumored separation of Raymart and Claudine: "Nakakahiya, nakakahiya talaga."Live na nagsalita si Jennylyn Mercado sa Showbiz Central kahapon, Linggo, October 30, hinggil sa pagkakasangkot niya sa diumano'y gusot sa pagitan ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto. Bakit siya nadawit sa isyu? Dahil ba siya ang leading lady ni Raymart sa nagtapos nang soap ng GMA-7 na Futbolilits? Ani Jennylyn, "Iyon nga ang iniisip ko. Sabi ko, 'Bakit parang masyadong late para sa isang..." Tapos na ang airing ng show nila... "Oo, tapos na ang Futbolilits. "Sa totoo lang, hindi ko talaga alam. "Wala talaga akong idea kung paano ito... ano'ng nangyari. "Bigla na lang paggising ko, nag-text sa akin ang manager ko [Becky Aguila], 'Ano ito, bakit nadadawit ka sa isyu nilang dalawa?' "Para sa akin, parang nakaka... masyadong nakakagulat tsaka hindi nakakatuwa. "Hindi siya... hindi maganda sa paningin, sa pandinig ng lahat ng tao," pahayag ni Jennylyn. FORMER CO-STAR. Close ba sila ni Raymart sa set ng Futbolilits? Magkaibigan ba sila? Nagte-text-an ba sila? Magkahiwalay ba o magkasama ba sila sa dressing room? "Well, kaming lahat, magkakaibigan talaga kami sa Futbolilits. "Talagang nagkaroon kami ng... Nung natapos kami, talagang nag-iyakan kami kasi talagang para kaming pamilya. "Pero siyempre, pag nasa dressing room... hiwalay naman yung dressing room ng babae tsaka ng lalaki. "So, hindi naman yung, di ba, magkadikit kami, tapos... Kumbaga, sa take lang kami nagkakausap, ganyan," paliwanag ni Jennylyn. SALING PUSA? Na-shock ba si Jennylyn na siya ang itinuturong isa sa mga dahilan sa isyu ng mag-asawang Raymart at Claudine? "Unang-una, naguluhan ako kasi parang, 'Ha?! Paano akong nakasali diyan? Paano akong nadamay?' "Kasi wala naman talaga, e. Ang hirap ipilit ng isyu na wala naman talaga." Nakausap na ba ni Jennylyn si Raymart tungkol dito? "Yes," sagot ng StarStruck winner. "Nakakahiya sa kanila, nakakahiya sa kanilang dalawa. "Pero ang una kong tinext, si Raymart, na finorward ko yung mga messages ng manager ko na, 'Uy, ano ito? Grabe naman ito!' "Iyon lang yung sinabi ko, tapos finorward ko lahat ng message. Tapos yung mga galing sa mga press, finorward ko lahat. "Tapos sabi niya, 'Puwede ba kaming tumawag?' "Sabi ko, 'Okay.' "Tapos sabi niya, 'Kasama namin ngayon, kasama ko ngayon yung isa sa mga boss. Gusto ka naming makausap.' "Sabi ko, 'Okay, sige!' "Tapos kinausap ko sila, sabi ko, 'Tita, ano ito, ano pong nangyayari? Kasi bakit bigla po akong nasama?' "Sabi ko, 'Hindi po talaga maganda.' "In-explain ko, sabi ko, 'Nakakahiya. Unang-una, nakakahiya kay Ate Claudine. "'Nakakahiya sa mga taong nakarinig, nakakasira ng pamilya.' "Tsaka pamilyadong tao. "Nakakahiya kung pati ako madadamay o ako ang magiging dahilan kung bakit sila naghiwalay o isa sa mga dahilan. "Nakakahiya, nakakahiya talaga." Ano pa ang pinag-usapan nila? Nag-apologize ba si Raymart sa kanya? "Well, sabi nila na... sabi ni Raynmart na, pasensiya, na ako, nadamay ako dun sa isyu. "Sabi ko, 'Raymart naman, tulungan ninyo naman ako diyan.' "Sabi ko, hindi ko ito maipapaliwanag ng ako lang kasi, di ba, siyempre hindi ko mapi-please lahat. "Hindi ko naman alam kung maniniwala silang lahat sa akin." LUIS'S REACTION. Ano naman ang sabi ng rumored boyfriend niyang si Luis Manzano tungkol sa isyung ito?
"Nagtataka siya kung bakit daw ako nadadamay dun sa isyu.
"Sabi ko, 'E, hindi ko din rin alam kasi hindi ko rin talaga masasagot 'yan.'
"Pero wala, e, ganun talaga."
May advice ba si Luis sa kanya?
"Wala, walang advice kasi parang nung kinukuwento ko sa kanya, medyo natatawa-tawa lang ako.
"Kaswal na kaswal lang kasi wala naman talaga akong alam, nagulat na lang ako."MESSAGE FOR RAYMERT & CLAUDINE. Sa huli ay hiningan ng mensahe si Jennylyn para kina Raymart at Claudine. "Sa akin naman, sa aking opinyon, lahat naman ng magkarelasyon o mag-asawa, kahit boyfriend/girlfriend, lahat 'yan may pinagdadaanan, e, di ba? "Lahat 'yan sila, may problema talagang pinagdadaanan. "Hindi puro masaya, hindi parang lagi na lang silang... di ba, laging masaya yung relationship. "Meron talagang mga moments na talagang mahihirapan sila, may mga... darating at darating na mga problema. "So, sana maayos nila at sana wala nang iba pang madawit. "Dahil unang-una, nakakahiya sa kanila, sa pamilya nila, sa pamilya ko rin. "Hindi magandang pakinggan dahil may anak ako, di ba? "Okay lang sana kung sa single ako na-link, di ba? Ang dami namang single diyan. "At saka nakakahiya rin kay Luis kasi dini-date ko siya, di ba? "So, parang nakakahiya, na parang lalabas akong two-timer, parang hindi naman maganda yun. "Hindi talaga maganda," saad ng Kapuso actress-singer. At kung kailan sila nagiging close na ni Governor Vilma Santos, na ina ni Luis, ay tsaka pa lumabas ang ganitong isyu.
"Oo. Isa pa, nakakahiya din sa pamilya ni Luis, lalo na kay Ate Vi," sabi pa ni Jennylyn.
/via PEP, Rommel Gonzales, Monday, October 31, 2011 09:54 PM
|
|
|
Post by jefflly on Oct 31, 2011 22:42:17 GMT 8
Jennylyn says no role in Claudine-Raymart 'rift'MANILA, Philippines - Actress-TV host Jennylyn Mercado expressed surprise over reports linking her to the alleged marital woes between Claudine Barretto and Raymart Santiago. The reports said Mercado is being wooed by Santiago, which is affecting the couple's marriage. Mercado, who worked with Santiago in a defunct series, said she's clueless on why her name is being dragged into the issue. "Sa totoo lang hindi ko alam, kung ano ang nangyari. Bigla na lang paggising ko nag-text ang manager ko na 'Ano ito, bakit nadadawit ka sa isyu ng dalawa?' Para sa akin, nakakagulat at hindi maganda sa paningin at sa pagdinig ng lahat ng tao," Mercado said. "Naguluhan ako parang 'ha paano ako nadamay diyan?' Ang hirap ng isyu na wala naman talaga. Nakakahiya sa kanilang dalawa (Raymart and Claudine). Pero ang una kong tinext si Raymart, finorward ko ang messages ng manager ko sabi ko 'Ano ba ito? Grabe naman ito?' yun lang ang sinabi ko tapos finorward ko lahat ng messages pati ang galing sa press, finorward ko lahat. Tapos sabi niya, 'Pwede ba kaming tumaway, kasama ko ngayon ang isa sa boss gusto ka naming makausap.' So sabi ko 'okay.' So sabi ko 'Tita ano ito, bakit ako nasama?' Unang una, nakakahiya kay Ate Claudine, nakakahiya sa mga taong nakarinig. Nakakasira ng pamilya. At saka pamilyadong tao, nakakahiya kung ako ang magiging dahilan bakit sila maghihiwalay, o isa sa dahilan nakakahiya talaga," she said. Mercado said Santiago has apologized to her because of the controversy. "Well, sabi ni Raymart pasensiya na at nadamay ako [Jennelyn] sa isyu. Sabi ko, Raymart naman, tulungan niyo ako diyan, di ko maipapaliwanag ito ng ako na lang. Di ko naman mapi-please lahat di ko alam kung maniniwala sila lahat sa akin," she said. Mercado, who's now dating actor-host Luis Manzano, said that latter didn't take the issue seriously. "Nagtataka siya bakit daw ako nadadamay sa isyu. Sabi ko di ako alam, di ko masasagot yan pero ganoon talaga. Wala siyang advise sa akin kasi noong sinasabi ko sa kanya, natatawa lang ako, kaswal na kaswal lang kasi wala akong alam, nagulat na lang ako," Mercado said. Mercado said she understands what's happening to the couple's relationship, and expressed hope they can settle their issues. "Sa akin namang opinyon, lahat naman ng magkarelasyon o mag-asawa kahit [magkasintahan], lahat yan may pinagdadaanan lahat yan may problemang pinagdadaanan hindi puro masaya. Mayroon talagang moments na talagang nahihirapan sila, may darating at darating na problema. Sana maayos nila at wala ng madawit. Unang una, nakakahiya sa pamilya nila, sa pamilya ko din. Hindi magandang pakinggan dahil may anak ako. Ok lang kung sa -single ako na link. Nakakahiya din kay Luis kasi dini-date ko siya, di ba? So parang nakakahiya parang lalabas ako na 2-timer hindi maganda yon talaga. Nakakahiya sa pamilya ni Luis lalo na kay ate Vi (Vilma Santos)," Mercado said. On Saturday, Santiago and Barretto, in a joint statement released by their manager, Shirley Kuan, said their marriage is still intact. MANILA, Philippines - Actress-TV host Jennylyn Mercado expressed surprise over reports linking her to the alleged marital woes between Claudine Barretto and Raymart Santiago. The reports said Mercado is being wooed by Santiago, which is affecting the couple's marriage. Mercado, who worked with Santiago in a defunct series, said she's clueless on why her name is being dragged into the issue. "Sa totoo lang hindi ko alam, kung ano ang nangyari. Bigla na lang paggising ko nag-text ang manager ko na 'Ano ito, bakit nadadawit ka sa isyu ng dalawa?' Para sa akin, nakakagulat at hindi maganda sa paningin at sa pagdinig ng lahat ng tao," Mercado said. "Naguluhan ako parang 'ha paano ako nadamay diyan?' Ang hirap ng isyu na wala naman talaga. Nakakahiya sa kanilang dalawa (Raymart and Claudine). Pero ang una kong tinext si Raymart, finorward ko ang messages ng manager ko sabi ko 'Ano ba ito? Grabe naman ito?' yun lang ang sinabi ko tapos finorward ko lahat ng messages pati ang galing sa press, finorward ko lahat. Tapos sabi niya, 'Pwede ba kaming tumaway, kasama ko ngayon ang isa sa boss gusto ka naming makausap.' So sabi ko 'okay.' So sabi ko 'Tita ano ito, bakit ako nasama?' Unang una, nakakahiya kay Ate Claudine, nakakahiya sa mga taong nakarinig. Nakakasira ng pamilya. At saka pamilyadong tao, nakakahiya kung ako ang magiging dahilan bakit sila maghihiwalay, o isa sa dahilan nakakahiya talaga," she said. Mercado said Santiago has apologized to her because of the controversy. "Well, sabi ni Raymart pasensiya na at nadamay ako [Jennelyn] sa isyu. Sabi ko, Raymart naman, tulungan niyo ako diyan, di ko maipapaliwanag ito ng ako na lang. Di ko naman mapi-please lahat di ko alam kung maniniwala sila lahat sa akin," she said. Mercado, who's now dating actor-host Luis Manzano, said that latter didn't take the issue seriously. "Nagtataka siya bakit daw ako nadadamay sa isyu. Sabi ko di ako alam, di ko masasagot yan pero ganoon talaga. Wala siyang advise sa akin kasi noong sinasabi ko sa kanya, natatawa lang ako, kaswal na kaswal lang kasi wala akong alam, nagulat na lang ako," Mercado said. Mercado said she understands what's happening to the couple's relationship, and expressed hope they can settle their issues. "Sa akin namang opinyon, lahat naman ng magkarelasyon o mag-asawa kahit [magkasintahan], lahat yan may pinagdadaanan lahat yan may problemang pinagdadaanan hindi puro masaya. Mayroon talagang moments na talagang nahihirapan sila, may darating at darating na problema. Sana maayos nila at wala ng madawit. Unang una, nakakahiya sa pamilya nila, sa pamilya ko din. Hindi magandang pakinggan dahil may anak ako. Ok lang kung sa -single ako na link. Nakakahiya din kay Luis kasi dini-date ko siya, di ba? So parang nakakahiya parang lalabas ako na 2-timer hindi maganda yon talaga. Nakakahiya sa pamilya ni Luis lalo na kay ate Vi (Vilma Santos)," Mercado said. On Saturday, Santiago and Barretto, in a joint statement released by their manager, Shirley Kuan, said their marriage is still intact. abs-cbnNEWS.com, Posted at 10/31/2011 7:07 PM
|
|
|
Post by jefflly on Oct 31, 2011 22:48:34 GMT 8
Puri ni Ate Vi kay Jennylyn Mercado: “Magaling siyang mag-host! Natural.”HINAHATI ni Gov.Vilma Santos-Recto ang kanyang oras para sa kanyang showbiz commitments at trabaho bilang public servant. Naisisingit niya ang ilang raket sa showbiz, tulad ng umapir si Ate Vi sa Showbiz Central kung saan ang future daughter-in-law na si Jennylyn Mercado ang nag-interview sa kanya. Sabi ni Jennylyn, kinakabahan siya dahil first time na makaka-one-on-one ang ina ng kanyang rumored boyfriend na si Luis Manzano, although hindi naman daw ito ang una nilang pagkikita. Pinuri naman ng actress-politician si Jennylyn. Sabi ni Ate Vi: “Magaling siyang mag-host! Natural.” Pagkatapos ng interview ni Jennylyn sa Star For All Seasons, sabi ni Ate Vi kay Jennylyn: “Take care of my son.” Samantala, natanong naman si Ate Vi kung handa na ba siyang mag-asawa ang eldest son. “Kung saan maligaya ang anak ko, du’n ako,” aniya. /via journal, Beth Galena, 10/30/2011
|
|
|
Post by jefflly on Nov 1, 2011 1:40:44 GMT 8
Jennylyn: I'm not a two-timerJENNYLYN Mercado was interviewed by co-hosts Raymond Gutierrez and John Lapus in “Showbiz Central” about her involvement in the Raymart Santiago-Claudine Barretto breakup. “I really don’t know bakit ako nadawit sa issue nila,” she says. “Late na nga for the promo of ‘Futbolilits’ dahil tapos na ang show namin. Lahat kami sa cast, naging close sa isa’t isa, pero kami ni Raymart, sa taping lang nagkakausap. Magkaibang dressing rooms namin.” Did she talk to Raymart about it? “Yes. I texted him and forwarded all the messages from my manager and the press about it. I told him to help me kasi I can’t explain this by myself. At nakakahiya kay Ate Claudine.” How about Luis Manzano? “Takang-taka rin siya kung bakit ako nadamay sa issue. I told him hindi ko rin masasagot 'yan kasi wala talaga akong alam. Nakakahiya kay Luis kasi everyone knows we’re dating. Pati sa pamilya niya, lalo na kay Tita Vi. Lalabas naman akong two-timer.” /via Journal, Mario Bautista, 11/1/2011
|
|
|
Post by jefflly on Nov 1, 2011 1:46:55 GMT 8
Raymart apologizes to Jennylyn Sina Jennylyn Mercado, John Lapus at Raymond Gutierrez lang ang hosts ng Showbiz Central. Kung napapansin ang kaseksihan ni Jennylyn, kita naman ang patuloy na pagpayat ni Raymond, pero sabi nito, more pounds pa ang aalisin niya para ma-attain ang ideal weight na gusto. May report sa nangyari kay Ram Revilla at desidido ang Bautista family na papanagutin ang mga salarin at umaasa si Sen. Bong Revilla na may lilitaw na witness sa P500,000 reward na kanilang ibibigay. Noong una sa Twitter lang, pero sa SC, live na sinagot ni Jennylyn ang pagdawit sa kanya sa isyu nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Sabi nito: “Nakakagulat, ’di nakakatuwa at ’di maganda sa paningin at pandinig ng tao. Nakakasira ng pamilya. Hindi magandang pakinggan, nakakahiya sa anak ko, kay Luis (Manzano), sa pamilya ni Luis lalo na si Tita Vi.” Nagkausap daw sila ni Raymart at nagpatulong siyang klaruhin ang isyu dahil hindi niya kayang magpaliwanag mag-isa. Nag-sorry ang actor sa pagkakadawit niya. “Sana maayos nila at sana wala ng ibang madawit.”Sa mga pahayag ni Jennylyn, nakumpirma ang relasyon nila ni Luis nang sabihing hindi siya two-timer.” journal, Nitz Miralles, 11/1/2011
|
|
|
Post by jefflly on Nov 2, 2011 2:52:00 GMT 8
Sa Showbiz Central last Sunday ay minsan pang nagsalita si Jennylyn Mercado ng kanyang saloobin hinggil sa pagkakadawit niya sa issue nina Claudine Barretto at Raymart Santiago. Ang paulit-ulit nga niyang sinasabi, nakakagulat at nakakahiya naman daw sa mag-asawa. Nang lumabas ang issue, ang una nga raw niyang tinext ay si Raymart. "Tapos sabi niya, ‘Puwede ba kaming tumawag?’ Sabi ko, ‘Okay.' “Tapos sabi niya, ‘Kasama namin ngayon, kasama ko ngayon yung isa sa mga boss. Gusto ka naming makausap.' Sabi ko, ‘Okay, sige!' "Tapos kinausap ko sila, sabi ko, ‘Tita, ano ito, ano pong nangyayari? Kasi bakit bigla po akong nasama?' Sabi ko, ‘Hindi po talaga maganda.' In-explain ko, sabi ko, ‘Nakakahiya. Unang-una, nakakahiya kay Ate Claudine. Nakakahiya sa mga taong nakarinig, nakakasira ng pamilya.' "Tsaka pamilyadong tao. Nakakahiya kung pati ako madadamay o ako ang magiging dahilan kung bakit sila naghiwalay o isa sa mga dahilan. Nakakahiya, nakakahiya talaga,” pahayag ni Jen. Tinanong din siya kung ano ang reaksyon ni Luiz Manzano tungkol dito at aniya ay nagtataka nga rin daw ang aktor. "Sabi ko, ‘E, hindi ko din rin alam kasi hindi ko rin talaga masasagot 'yan.' Pero wala, eh, ganun talaga." Idinagdag din ni Jen na siyempre, nakakahiya rin daw kay Luis at sa pamilya nito dahil alam naman ng lahat that they’re dating. Sa bandang huli, ipinahayag ng aktres na sana raw ay maayos na ng mag-asawa ang anumang problema at sana raw ay wala nang madawit pa. journal, nitz miralles, 11/2/2011
|
|
|
Post by jefflly on Nov 2, 2011 3:00:11 GMT 8
Raymart, nangakong lilinisin ang pangalan ni Jennylyn!Hindi nga nagustuhan ni Jennylyn Mercado ang pagkaka-link niya kay Raymart Santiago. Nagulat na lang daw siya nang bigla siyang makatanggap ng text mula sa kanyang manager na involved siya sa diumano ay paghihiwalay ng mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago. Nagsalita nga si Jen sa Showbiz Central at sinabi nga niya na wala siyang kinalaman sa gulo ng mag-asawa. Matagal na raw tapos ang pinagsamahan nila ni Raymart na Futbolilits at parang late naman daw ang ganyang balitang ma-link sila sa isa’t isa. “Nakakahiya para sa maraming tao,” sabi ni Jen. “Nakakahiya kay Ate Claudine, nakakahiya sa mga anak nila at lalong nakakahiya kay Luis (Manzano), kasi siya ang dine-date ko ngayon. Ano ba naman akong klaseng tao kung magpapa-link pa ako sa iba, ‘di ba?” dugtong na sambit pa ni Jen. Pinadala nga ni Jen ang lahat ng text messages na natanggap niya kay Raymart at sana raw ay magsalita ito na wala siyang kinalaman sa anumang gulo na nangyayari sa pagsasama nila ni Claudine. “Sumagot naman si Raymart at sinabi niya na aayusin nila. Nag-sorry naman siya dahil nadamay ako. Hindi raw ako dapat nasasali sa anumang pinagdaraanan nila,” sey ni Jen. Nalungkot nga si Jen dahil sa hindi magandang balita sa mag-asawang Raymart at Claudine. Pero dahil sa joint statement na pinadala ng mag-asawa sa kanilang abogado, hindi pa nga raw hiwalay ang mag-asawa at inaayos nila ang kanilang pagsasama. May nagsabi nga na baka raw may kinalaman ang mga kontrata nina Raymart at Claudine sa mga endorsements nila kaya hindi nila puwedeng i-announce ang tunay na estado ng kanilang pagsasama. Bukod sa dapat ibalik ng buo ang naibayad sa kanilang talent fee, may babayaran pa silang penalty dahil may nalabag silang clause sa kanilang kontrata. Or else ay madedemanda sila. Makaka-relate nga si Jen sa ganyang sitwasyon dahil noong mabuntis siya ay may mga kontrata pa siya sa mga endorsements niya na hindi pa tapos. Nadaan daw sa pakiusap ang lahat kaya walang sinampang demanda sa kanya. abante, ruel mendoza, 11/2/2011
|
|
|
Post by nicky on Nov 4, 2011 0:23:38 GMT 8
Every week na lang nagiging exciting ang live elimination ng Protégé at sa Sunday, inaabangan na kung sino ang susunod kina Rosalyn Navarro at Samantha Felizco na mai-eliminate. May mga gusto ang viewers ng singing competition na mawala, pero siyempre, hindi papayag ang fans. Inaabangan din kung totoo ang tsikang isasama na si Jennylyn Mercado kina Dingdong Dantes na host sa live gala elimination night at si Ogie Alcasid na naka-assign sa Protégé Hub. In fairness, mahusay na host si Jennylyn, kitang nag-i-effort siyang mapaghusay ang trabaho. Nahahasa rin si Jennylyn sa Showbiz Central at puring-puri siya ni Raymond Gutierrez dahil weekly, may improvement at laging maayos ang suot. Siguradong very proud sa kanya ang BF na si Luis Manzano dahil si Mark Herras nga, proud sa kanya dahil hindi na lang acting at singing ang alam, pati na hosting. journal, nitz miralles, 11/4/11
|
|
|
Post by nicky on Nov 4, 2011 0:25:25 GMT 8
parang si jen eto based sa mga nakaraang bi...Actress' strong sex appeal 'lures' co-star Ang lakas talaga ng sex appeal ng actress-TV host na ito dahil pati may mga asawa, nabibighani sa kanya. Kamakailan lang, may nagkagusto sa actress-TV host na nakasama niya sa isang show. Hindi nito pinansin ang pagpapa-cute ng actor, pero mabilis na nakaamoy ang misis ng actor. Tama ang ginawa ng misis ng actor na ang mister niya at hindi ang actress-TV host ang kausapin at komprontahin dahil wala naman talagang kasalanan ang actress-TV host. Maayos na kinausap ang actor ng kanyang asawa at pinamili kung sino sa kanila ng kanyang mga anak at ang actress-TV host ang pipiliin. Obvious kung sino ang pinili ng actor dahil hanggang ngayon, nagsasama pa rin sila ng kanyang asawa at tinigilan ang pangungulit sa actress-TV host na masaya ang lovelife sa piling ng actor-boyfriend. Tama rin ang sinabi nito na hindi siya pumapatol sa may asawa. journal, nitz miralles, 11/4/11
|
|