|
Post by jefflly on Oct 18, 2011 2:00:52 GMT 8
Nagtapos na last Friday ang Footbulilits kung saan kasama si Jennylyn Mercado at natutuwa naman daw ang aktres dahil may good news na kaagad siyang natanggap mula sa GMA-7 management. Sinabihan na kasi siya ng unit ng Showbiz Central na extended siya as one of the hosts sa nasabing talk show till the next season. Natutuwa rin si Jen at ang kanyang manager na si Becky Aguila na maganda ang feedback sa Protégé reality show kung saan ay segment host naman ang aktres. Bukod dito ay may bago ring endorsement si Jen na isang slimming capsules at may dalawa pang kasunod. Magre-rest lang sandal si Jen after Footbulilits at pagkatapos ay magsisimula na siya ng bagong telesere. “In between her rest period is her training for triathion competition this Octber 23. Thriathion is a combination of swimming, running and biking. Mas rigid and mas difficult ang training,” say ni Tita Becky. Sports buff na raw si Jen ngayon kaya aside from muay thai and jujitsu, triathion naman daw ang pinagka-ka-busy-han nito. Ang nakakatuwa, da-hil balitang-balita na ang pagkahilig sa sports ni Jen, ang dami niyang sponsors sa mga sports-related stuff tulad ng gym outfits, shows and gadgets na ipinapadala pa sa house niya ng mga kumpanya. Nagpapasalamat nga raw si Jen at makakaasa raw ang mga kumpanya na gagamitin ng aktres ang mga produktong ipinadala ng mga ito. “Laking pasasalamat ni Jen na she’s healthier now because of this sports and martial arts that she got into. With the right diet and exercise, name-maintain niya ang sexy body kaya tuwang-tuwa siya na kinuha siya as endorser for a new slimming line. She has been taking it and as far as early as now effective sa kanya,” sey pa ni Tita Becky. Sa personal life naman ni Jen, obvious naman daw na masaya rin ang alaga niya. Hindi raw niya alam what’s the really score between her and Luis Manzano pero sey ni Tita Becky, kung saan masaya si Jen ay masaya na raw siya. Basta ang lagi niyang sinasabi sa aktres, just learn from her past mistakes. /via journal.com.ph, Vinia Vivar, October 17, 2011
|
|
|
Post by jefflly on Oct 18, 2011 2:11:17 GMT 8
PAK: Nahirapan ang production staff ng concert ni Janno Gibbs nung nakaraang Sabado sa backstage kung paano nila ita-traffic na hindi magtagpo doon sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na parehong guest sa naturang concert. Si Jennylyn ang naunang dumating at siya ang unang isinalang at panghuli si Dennis kasabay si Dingdong Dantes. Pagkatapos ng participation ni Jennylyn, nagmamadali itong umalis at hindi na nagpa-interview. Narinig naming sinabi niya sa mga kasamahan na umalis na sila dahil nandiyan na raw ang mga “kalaban.” /via philstar, Sol Gorgonio, October 17, 2011
|
|
|
Post by jefflly on Oct 18, 2011 2:26:36 GMT 8
NAAYOS ng production staff ng PPL Entertainment na hindi magtagpo sa backstage sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado nang pareho silang nag-guest sa concert ni Janno Gibbs na pinamagatang Janno Gives sa Music Museum. Pero halatang hirap sila dahil kailangang umalis agad si Jennylyn bago umakyat si Dennis. Nang lumabas si Jennylyn, kaagad na biniro ito ni Janno kung may nakita ba ito sa backstage. “Si Dennis?” natatawang sagot ni Jennylyn. Naging biruan nila ito sandali na dinig namin, ikinairita raw ng kampo ni Dennis. Nasa kotse lang pala si Dennis sa ibaba at hinintay na umalis si Jennylyn bago ito umakyat. Paglabas ni Jennylyn, nagmamadali itong umalis at hindi na nagpa-interview sa mga humarang na media sa kanya. Narinig pa ng isang reporter na sinabihan ang kasama niyang, “Bilis! Nandiyan na ang mga kalaban!” Pagkatapos ni Dennis, mabilis din itong umalis pero umiwas na sa mga intrigang tanong nang hinarang ito ng mga reporters. /via abante-tonite, gorgy rula, october 17, 2011
|
|
|
Post by jefflly on Oct 18, 2011 2:31:55 GMT 8
Si Jennylyn Mercado ang next guest ni Janno, na pag-entra ay biniro niya ng, “Kumusta sa backstage, Jen? Wala bang gulo? Nag-abot ba kayo ni… Jaya?” Akala ko ni Dennis (Trillo)! Ha! Ha! Ha!” natatawang sagot ni Jen. “Ay, binanggit mo!!” hirit pa ni Janno, na kasama sa mga guests that night si Dennis. Seksi-seksihan si Jen sa suot niyang mini-dress na litaw ang magandang legs. Words Get in the Way ni Gloria Estefan ang inawit niya. Natawa kami dahil nang mag-tweet kami na nasa Music Museum kami at nanonood ng concert ni Janno, ni-retweet ni Luis Manzano ang tweet namin at sinabihan kaming palakpakan ang kanyang ‘matsmats’ (tawag niya kay Jen). Wow, supportive boyfriend!! Ha! Ha! Ha! /via abante-tonite, allan diones, october 17, 2011
|
|
|
Post by jefflly on Oct 18, 2011 2:42:28 GMT 8
SCENE : Ang pasasalamat ni Jennylyn Mercado kay Batangas Governor Vilma Santos dahil sa mga atis na ipinadala sa kanya ng nanay ni Luis Manzano. /via philstar, October 18, 2011
|
|
|
Post by jefflly on Oct 20, 2011 3:01:24 GMT 8
Jennylyn Mercado: Dennis Trillo and I should forgive and forgetJennylyn Mercado refutes the story that she and her ex, Dennis Trillo, avoided each other during Janno Gibbs’ concert last Saturday. “Nauna talaga ang number ko sa kanya,” she clarifies. “At umalis ako agad pagkatapos kong mag perform. Nagkita na [rin] kami ni Dennis sa Party Pilipinas pero di kami nagpansinan.” Luis Manzano was supposed to be with her Saturday night but he couldn’t make it. Does Luis tell her to stay away from Dennis? “Luis is not the type to do that,” she says. “Besides, it’s been seven months since Dennis and I broke up. Dapat forgive and forget na, para more blessings.” Funny how ex-lovers who used to be “dead na dead” for each other turn dead-ma when their paths cross again. By: Dolly Anne Carvajal, Philippine Daily Inquirer, October 19, 2011 | 8:28 pm
|
|
|
Post by steff on Oct 23, 2011 13:09:36 GMT 8
Vilma Santos wants to keep mum on the relationship status of Luis Manzano and Jennylyn Mercado 10/20/2011 9:25 AM by: Rhea Manila Santos
Now that she is set to start filming for her upcoming still-untitled horror movie, Vilma Santos was in high spirits when Push.com.ph caught up with her at the Star Cinema office. The veteran actress admitted that she was not surprised when she found out that her eldest son Luis Manzano also had plans to follow in her footsteps in the political arena in the future. “Tinanong ko siya kung someday interesado ba siya, sabi niya, ‘Yes why not?’ Imagine 14 years na ako as a public servant so yung anak kong isa 15 years old si Ryan yun na yung kinalakihan. So 14 years si Lucky yun ang nakikitang trabaho ko. So siguro kahit papano na-i-inspire siya,” she shared.
But the Batangas Governor said she made sure to inform Luis about what it takes to be a good public servant. “Sabi ko sa kanya, ‘Anak just in case papasukin mo yan, gusto ko prepared siya and kung handa na siyang i-sakripisyo yung career niya kasi po yung trabahong ito, sakripisyo. Na-sacrifice ang movie career ko. But again no regrets kasi iba rin yung fulfillment ng isang public servant na pinagkakatiwalaan ka ng tao ng wala ang camera at walang bayad at naniniwala sa iyo na may magagawa ka for them and then may nagawa ka for them, yung pasasalamat nilang yun, yun ang priceless eh. So legacy yun eh,” she said.
When asked if she could comment on the current status of Luis’s relationship with rumored ladylove Jennylyn Mercado, Ate Vi refused to give any specifics but was obviously happy about the two. “Ha? Ewan ko sa inyo (laughs). Ayoko basta gusto ko lang sabihin masaya ang anak ko. Period. Walang comma! Sila ang habulin niyo at tanungin niyo. Hindi ako ang in love. Ayokong maging chismosa. Basta ang importante alam kong masaya ang anak ko. Hanggang dun lang kaya kong sabihin. Bayaan mo na. Yun lang. Tama na. (laughs). Ako rin gusto ko magsalita eh pero alangan namang mauna pa ako sa kanila. Bayaan mo, buhay nila yun and then sila na muna. Basta I guess what’s important is masaya sila,” she explained.
Ate Vi admitted that she has already met Jen several times and had nothing but positive things to say about the actress. “She’s very nice. She’s very nice in a way na taong tao kasi eh. Totoo eh. Kalog din kasi. Alam niyo naman si Luis napaka-kalog ‘di ba? Pasensiya na kayo sa kakalugan nung anak ko pero ganun talaga yun kaya masayang tao yun and siguro kaya sila nagki-click in a way, kalog din si Jen eh. Parang ano rin eh, down-to-earth, so yun,” she said.
The Star for All Seasons also demurred from commenting on her son’s choice of women because she would rather take the stance of a supportive mom instead. “Alam mo it’s not a matter of boto o hindi ako eh, ang importante sa magulang masaya ang anak. And then because at the end of the day, hindi ako ang makikisama, yung anak ko. And as a mother I guess ang pinaka-importante sa akin is maligaya ang anak ko, yun lang,” she said.
|
|
|
Post by steff on Oct 23, 2011 13:51:08 GMT 8
Vilma Santos denies rumors saying she is not in favor of Jennylyn Mercado, rumored girlfriend of her son Luis Manzano
Saturday, October 22, 2011 10:49 PM Ruben Marasigan
ON JENNYLYN. Lately, may mga nagiging intriga na naman kay Governor Vi. Isa na nga rito 'yong tungkol sa diumano'y hindi raw niya talaga feel si Jennylyn Mercado para sa anak niyang si Luis Manzano.
"Wala akong sinasabing gano'n. Am I the type who will say that? Na... hindi ko type si Jennylyn?
"Again, uulitin ko... hindi ako nakikialam sa ano ni Lucky. Wala.
"You can even ask Lucky. Kung meron akong sinabing... 'Anak, gusto ko 'yan, ayoko 'yan.' Hindi ako gano'n.
"Kasi naiinsulto ang anak mo kapag gano'n, e. Hindi ako type na magsasalita ng gano'n. "Hindi ako umaayaw. Hindi ako nagsasabi ng pabor. Basta ang importante kung sino ang gusto ng anak ko, maligaya siya.
"Kung 'yon ang gusto niyang mapangasawa, it will be his decision.
"I'm always open. I'm always open. Because buhay ng anak ko iyon. Di ba?
"Now, kung magkaroon siya ng problema, kaya niya. Kayang tumayo ng anak ko. Nandito lang si Mommy to guide him.
"Pero not to impose or to tell him... bagay sa 'yo 'yan o hindi bagay sa 'yo 'yan. Hindi ko type 'yon. Hindi ako gano'n."
Kung sabagay, bago ang group interview ng mga press people na dumalaw sa kanya doon sa Kapitolyo ng Batangas, naunang nag-interview sa kanya si Jennylyn Mercado para sa isang segment na ipapalabas sa Showbiz Central this Sunday. Mukha namang magkasundo sila.
Vilma was so candid nga na panay pa ang biro kay Jennylyn na aniya'y napagakagaling palang mag-host dahil natural na natural.
Bago ang panayam na iyon, kailan sila last na nagkita ni Jennylyn?
"Fishing, huh!" natawang biro ng Star For All Seasons. "E kung sabihin kong kahapon lang?" sabay tawa ni Vilma.
"Ano... the other day lang, nagkita kami. 'Yon lang. Hanggang do'n lang. Period!" pag-iwas niya na magdetalye pa tungkol sa pagkikita nilang 'yon.
Sa ginawang interview ni Jennylyn sa kanya, may nasabi siya rito na... please take good care of Lucky.
-----------------
sterff: hehehe. napapadalas yta pagkikita nila ni mommy Vi.. mommy Vi daw oh...hahaha.. ;D
|
|
|
Post by LuisJen on Oct 24, 2011 2:48:50 GMT 8
‘Fashionista 2011’ model searchDo you have what it takes to be a model? Would you like to appear in the pages of a glossy catalog alongside famous celebrities like Jennylyn Mercado and Ejay Falcon? Are you a certified shopaholic and fashion is your ultimate passion? Fashion Exchange or F/X, one of the most dynamic direct-selling firms in the Philippines, has just launched a big modeling search entitled "Mr. & Ms. FASHIONISTA 2011." Titleholders will become exclusive members of "FX’s Circle of Celebrity Endorsers." Read more at Malaya, October 24, 2011
|
|
|
Post by steff on Oct 24, 2011 9:48:26 GMT 8
Vilma, itinanggi ang isyu na ayaw niya kay Jen! Luis, good influence kay Jensource: www.abante.com.ph/issue/oct2411/ent_others03.htmItinanggi ni Batangas Governor at Star For All Seasons na si Vilma Santos-Recto ang lumabas sa isang tabloid na hindi raw siya boto kay Jennylyn Mercado para sa kanyang anak na si Luis Manzano.
Nagulat nga si Governor Vi nang may magparating sa kanya na ginawa pa raw headline sa isang entertainment column ang quote na iyon na diumano ay galing sa kanya.
“Wala akong sinasabing ganyan. Kilala n’yo ako.
Never kong sasabihin ang ganyan dahil para ko na rin minaliit ang sarili kong anak,” diin ni Governor Vi.
“Kung sino ang mahal ng anak ko, mahal ko na rin. Bilang isang ina, dapat ay sinusuportahan mo ang sinumang mahal ng anak mo, ‘di ba? Hindi ako nakikialam sa personal na buhay ni Luis. Nasa tamang edad na siya para magdesisyon lalo na sa personal life niya.
“Like what I said, kung sino ang mahal ng mga anak ko, mahal ko na rin.”
Tungkol nga kay Jennylyn, natuwa nga si Governor Vi nang dumayo pa ito sa Batangas City para sa one-on-one interview nilang dalawa para sa Showbiz Central. Alam niyang kinakabahan si Jennylyn pero sinabihan niya itong mag-relax lang at isipin nitong silang dalawa lang ang nagkukuwentuhan.
“Nakakatuwa si Jen,” mabilis na sambit ni Governor Vi.
“Hindi naman ito ang first time na mag-meet kami. Ilang beses na kaming nagkasama on different occasions. First time lang niya akong ma-interview kaya kinakabahan siya. Sabi ko na relax lang at magkuwentuhan lang kami.
“Magaling siyang mag-interview. Sinabi nga ni Jen na tinuruan siya ni Luis kaya mas natuwa ako.”
Sabi nga ay naging magandang impluwensya si Luis kay Jennylyn kaya gumagaling na ito bilang TV host. Maging sa personal na buhay ni Jen ay maganda ang naging mga turo ni Luis.
“Maganda kung gano’n, ‘di ba? I think na pareho naman silang mabuti para sa isa’t isa. May natutunan si Jen kay Luis, may natutunan din si Luis kay Jen.
“Maganda ‘yung nagiging magandang impluwensya ka sa ibang tao. Pinalaki kasi namin si Luis na puro pangaral. Hindi porke’t anak siya ng artista, magagawa na niya ang mga gusto niya kahit mali.
“I like to think na lahat ng tinuro namin at natutunan ni Luis sa amin ay tama. Kaya lumaki siyang maayos at mapagmahal na tao.
“Kapag nakikita ko nga si Luis, napapansin ko na masayang-masaya siya. Kung may kinalaman kay Jennylyn ang kasiyahan niya ngayon, then maganda iyon. My son is happy with his life at lovelife!” ngiti pa niya.Sa pagpasok naman daw sa political arena ni Luis, hindi rin daw nakikialam si Governor Vi. Desisyon pa rin iyon ng kanyang anak. “It’s his call. Kung ano ang gusto ni Luis, nandito lang kami para suportahan siya,” sey niya. “Alam ko na pipiliin ni Luis ang tamang desisyon. Hindi ko na kailangan pang makialam. If one day sabihin ni Luis na he wants to enter politics, then he will have my blessing. “Lagi ko ngang sinasabi, pinasok ko ang politics na wala akong alam masyado sa mundong ito. Pinagsikapan kong pag-aralan ito at pinagdasal ko na lang ang lahat. “Kung nasaan ako ngayon, isang malaking pasasalamat ko ito sa Panginoon,” pahayag na lang ni Ate Vi. Sa nalalapit ngang birthday ni Governor Vi on November 3, isang simpleng bakasyon kasama ang kanyang pamilya ang tanging gagawin niya. “Sa kaarawan ko, gusto kong makasama muna ang pamilya ko. Simpleng bakasyon lang. ‘Yung makakapagkuwentuhan kami at mag-update kami sa isa’t isa. “Masyado ngang naging busy kaming lahat kaya ito lang ang pagkakataon na makakapag-bonding kaming buong pamilya.” Kasalukuyan ngang nagsu-shooting ng pelikula si Governor Vi titled The Healing kung saan kasama niya si Kim Chiu at mula sa direksyon ni Chito Roño. “Nagpaalam ako sa mga taga-Batangas. Payagan naman nila akong mag-shooting. It’s been two years na since In My Life, gusto ko namang magpelikula ulit. “Mabuti naman at pinayagan tayo. Nami-miss na rin daw nilang napapanood ako sa big screen. Kaya tamang-tama lang ang pagdating noong The Healing kasi maganda ang script at nakatrabaho ko ulit si Direk Chito.” Nais din daw ma-experience ni Governor Vi ang makagawa ng isang indie film. “Uso ngayon ‘yan, ‘di ba? Why not? Kung may magandang script, bakit ko naman tatanggihan? At saka, mga pinapadala ngayon sa mga international film festivals ay mga indie films. Kaya kung meron, gawin natin kapag maganda.” Hindi pa nga raw sila nagkikita ng kanyang kumareng si Nora Aunor. “Hindi pa kami nagkikita since nakabalik siya. Alam ko naman na busy siya dahil marami siyang trabaho. Magkikita rin kami ng kumare kong ‘yan. Kung noon ngang wala siya rito ay may communication kami, what more na nandito na siya,” pagtatapos pa ni Governor Vilma Santos-Recto.
|
|
|
Post by steff on Oct 24, 2011 19:37:01 GMT 8
.
Vilma asks Jennylyn to take care of Luis
abs-cbnNEWS.com
MANILA, Philippines - Star for All Seasons and Batangas Governor Vilma Santos is asking young actress Jennylyn Mercado to take care of his son, Luis Manzano.
"You take care of my Lucky (Luis) ha? You take care of my son," Santos told Mercado in an interview with Showbiz Central, aired on Sunday
Mercado had a one-on-one interview with Santos, months after Manzano admitted that he is dating the young actress.
As a response to Santos' statement, Mercado said that she will take care of Manzano.
"Yes Tita (Vilma) I will," Mercado briefly said.
In a recent interview, Manzano even called Mercado "love."
When asked the real status between him and Mercado, the actor-host said that they are not yet a couple.
|
|
|
Post by nicky on Oct 27, 2011 1:04:14 GMT 8
Jennylyn may bagong isyung sasagutin! Sangkot sa gulo ng mag-asawang Raymart at Claudine?
Hindi na pala gaanong na-shock ang ilang kaibigan ni Claudine Barretto sa nangyari sa kanila ng asawang si Raymart Santiago. Matagal na kasing bulung-bulungan ang problema nilang mag-asawa na nauna na nilang idinenay noong magkaroon sila ng kanya-kanyang presscon para sa kanilang show sa GMA 7 – si Claudine sa Iglot at si Raymart para sa natapos na Futbolilits. Pero ang nakakapagtaka ay kung paanong nasama sa ‘gulo’ ang pangalan ni Jennylyn Mercado na open na open sa relasyon nila ni Luis Manzano at kaka-interview lang niya kay Gov. Vilma Santos na umere sa Showbiz Central last Sunday. At least may bagong issue na namang sasagutin si Jennylyn na hindi na yata nawalan ng issue. Siyempre idi-deny niya. /via Pilipino Star Ngayon, Salve Asis, October 27, 2011
|
|
|
Post by nicky on Oct 27, 2011 1:08:20 GMT 8
nagtataka ako kagabi sa nabasa kong blind time kasi parang si Jen pinangalanan na rin pala ngayon reporters talaga porque nagkasama lang sa show eh nambibintang na eto pala blind item kagabi ...Claudine naglupasay sa bangko, P5 million na-withdraw ni Raymart? Magsasalita kaya si Claudine Barretto tungkol sa issue na may malaking problema sila ngayon, at seryoso raw huh, ng asawa niyang si Raymart Santiago? Ang rason ng malaking gulo, ay limang milyong piso. Yup, you read it right. Imagine, one time raw nag-check si Claudine ng time deposit nila ng asawa sa isang bangko sa Quezon City, andun naman ang milyun-milyon na nasa pangalan nilang mag-asawa. Aba, after 40 minutes, wala na raw. Na-withdraw na. At nang malaman ni Claudine na wala na ang limang milyon sa bangko, iyak daw nang iyak ang aktres. Ang paliwanag daw ng bangko, na-withdraw at sa ibang branch ng bangko na-transact. And/Or and account kaya puwedeng ma-withdraw ng isa sa kanila ang pera kahit hindi alam ng ka-“or” or “and.” At ang sabi ng source, may involved daw na ibang girl sa gulo ng mag-asawa. Isang kilalang aktres na may karelasyong TV host.May kasamang lawyer nang pumunta si Claudine sa bangko. Bukas ang pahinang ito sa anumang paliwanag nina Claudine and Raymart para malaman ng lahat ang totoo. Mas maigi na ’yung sa kanila mismo magmula ang totoo kesa lumala pa ang issue. /via Pilipino Star Ngayon, Salve Asis, October 26, 2011
|
|
|
Post by jefflly on Oct 28, 2011 1:42:29 GMT 8
"etong si Salve de Asis, pang 3rd day na write up nya na sinasabit si Jennylyn Mercado sa problema ni Claudine Barreto at Raymart Santiago"Hindi pa nagsasalita ang bangko kung ano ba talaga ang nangyari. Wala pa ring official statement ang “dating” mag-asawang Claudine at Raymart at wala pa ring naririnig sa kampo ni Jennylyn Mercado na idinadawit sa isyu. Kaya magiging mainit ang talk show ng GMA 7 sa Linggo dahil pawang mga Kapuso stars ang kasali sa inaabangan ngayong kuwento.- Philstar, Salve de Asis, October 28, 2011 sana mag research etong si Salve like basahin timeline ni Jen sa Twitter:
mercadojen Jennylyn Mercado Its a beautiful day! =) wag na natin sirain araw natin. =) important wala tayong tinatapakan at sinisirang tao at pamilya! =) I'm happy na sa takbo ng career and relationship ko sa family and friends ko... =) love love love! = 11 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado @mariacamacho02 --narinig ko na nga yan.. Haha! Parang mga sira noh? Parang too late na yan para sa fb promo.. Haha! May respeto sa ako sa pamilya ng may pamilya. Soooo not true. =) 11 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado @ @acel_14 --aaaawww.. Thank you... Sweet!! Bad yun!!! Haha! May mga single naman... Wag naman ako idamay sa pamilyado. Thanks! =) 11 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado @ @miapoink --hindi. Hahaha!! May pinagdadaanan kasi yung ibang mga tao... Dinadamay ako eh. Hahahaha! Laughtrip sila. 11 hours ago
mercadojen Jennylyn Mercado @ @miapoink --korek! Kaya ang walang alam wag makealam.. Or para di magmukhang stupid magtanong sa mga nakakaalam. Hahaha! 11 hours ago
|
|
|
Post by jefflly on Oct 28, 2011 2:12:16 GMT 8
"salve's blind item 2 days ago now picked up by mario bautista but in fairness he tried to ask for confirmation from raymart's camp"Raymart is the one who’s the villain here, since wags also say he has a paramour, an actress once linked to a TV host. We asked around if this were true and Raymart defenders say it’s not. They say it’s Raymart who tried his best to keep their marriage intact all these years, adjusting to the erratic mood swings of his wife through the years. “Napuno na lang si Raymart dahil siya na lang ang laging nagtatakip,” one source says. read more at online journal, by mario bautista, 10/28/2011
|
|