|
Post by nicky on Dec 9, 2011 1:58:26 GMT 8
Jennylyn at Luis engaged na! PAK : Nakakakilig ang eksena sa Ala Eh festival ni Gov. Vilma Santos nung isang araw lang nang ipinakilala nito si Jennylyn Mercado bilang isa sa mga hurado sa kanyang event. Hindi alam ni Gov. Vi kung paano niya ipakikilala si Jennylyn, nang biglang sumingit si Luis Manzano nang “girlfriend ko siya Mommy.” Kaya ipinakilala niyang girlfriend ito ng anak niya. Sabi nga ni Jennylyn, hanggang ngayon ay natatakot pa rin siya kahit ilang beses na silang nagkita. Sa naturang event ay ipinakita ni Jennylyn ang singsing na suot niya na regalo ni Luis sa kanya. Pero itinanggi ng young actress na hindi naman ’yun engagement ring. Sol Gorgonio, Pilipino Star Ngayon, December 09, 2011
|
|