|
Post by nicky on Dec 7, 2011 2:35:36 GMT 8
Bahay na ipina-renovate ni Luis tapos na, pagpapakasal kay Jennylyn pinaghahandaan na! Masayang-masaya si Luis Manzano sa relasyon nila ni Jennylyn Mercado. Kahit parehong abala sa kanilang mga trabaho ay humahanap talaga sila ng oras para magkasama kaya magkasundung-magkasundo ang dalawa. Totoo kayang nagpa-plano nang magpakasal sina Luis at Jennylyn ngayong tapos na ang pagpapa-renovate ng bahay ng binata? “Hindi naman, matagal-tagal pa ’yun. But of course it’s bound to happen. Prepared na rin ako sa future kesa sa huli pa,” pagtatapat ni Luis. Sobrang laki ng bahay ni Luis sa Green Meadows na ipinamana sa kanya ni Gov. Vilma Santos noong 2007. Naging abala si Luis sa pagpapa-renovate ng nasabing bahay dahil tinutukan niya talaga ang lahat ng pagawa dito. “’Yung initial na plano na magkaroon ng home theater, natupad ’yun. Pero ’yung room ko talagang naayos ko, maganda. Mula sa TV na may surround sound, ganon. I was very hands on, although hindi ako nakakapag-shop, pinapadalhan ako ng mga sample. Very masculine ’yung design, very wide, all windows. Kapag tumawid kayo ng kalye makikita n’yo akong naliligo. Ganoon ka-visible ’yung loob ng bahay,” natatawang kuwento ni Luis. Ni Boy Abunda, Pilipino Star Ngayon, December 07, 2011
|
|