Post by nicky on Dec 3, 2011 20:59:18 GMT 8
Luis Manzano considers girlfriend Jennylyn Mercado his lucky charm
Itinuturing ni Luis Manzano na lucky charm ang girlfriend niya na si Jennylyn Mercado.
Kasama ni Luis si Jen nang tanggapin ang napanalunang award sa katatapos na 2011 Golden Screen TV Awards ng Entertainment Press Society Inc. (ENPRESS) na ginanap sa Teatrino Promenade, Greenhills sa San Juan nuong Nobyembre 29.
Nakopo ni Luis ang tropeo para sa kategoryang Outstanding Adapted Reality/Competition Program Host para sa Pilipinas Got Talent ng ABS-CBN.
"Iyon ang sinasabi ko, lucky charm ko siya [Jennylyn].
Maging sa proyekto o nagagawaran ng award, she is my lucky charm," panimulang pahayag ni Luis sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lamang.
Aminado rin si Luis na mas inspirado siya ngayon dahil sa kasintahang aktres.
"Yes mas inspirado ako, sabi nga nila ay blooming daw ako, siya ang rason," nakangiting paliwanag ng aktor.
Si Jennylyn ay sobrang sexy rin ngayon, masasabi ba ni Luis na siya naman ang dahilan ng sobrang makurbang katawan ng kanyang girlfriend?
"Ay hindi," maagap na saad ng actor/TV host. "She is a very, very hard worker pagdating sa kanyang physique.
"Gumigising iyan ng 5 a.m. para tumakbo; she is very determined talaga na ma-maintain ang kanyang form."
Nang usisain pa ng PEP kung ano ang kaibahan ni Jen sa past girlfriends niya, consistent pa rin si Luis sa pagsasabing, "Hindi, huwag na, kung aanuhin ko kasi iyon ay magkakaroon ng comparison...
"Let's just say na I'm very, very happy right now."
NEW SERYE. Ikinuwento rin ni Luis ang kanyang forthcoming project sa Dos.
"Malapit nang simulan ang Alta, ang teleserye namin with Gretchen [Barretto], Angelica [Panganiban], Diet [Diether Ocampo] at KC [Concepcion].
"So iyon ang aabangan and siyempre, may mga shows na paparating, pero medyo confidential pa."
Ano ang papel niya sa Alta?
"Ang magiging ka-partner ko rito ay si Angelica at tungkol ito sa mga alta...iyong mga sobrang yaman sa alta de sosyedad."
So, hindi siya mahihirapan sa pagganap dahil balitang sobrang yaman na raw ng anak ni Gov. Vilma Santos sa rami ng kanyang business?
"Hindi naman," nakangiting sabi ni Luis.
"Hindi naman kasi ako old rich, at kung ano man iyong na-e-enjoy ko ngayon ay pinaghirapan ko at pinaghirapan din ng pamilya ko."
EXODUS TO TV5. Ano'ng masasabi niya sa napapabalitang paglipat ng maraming big name stars ng GMA-7 at ABS-CBN sa TV5?
"Ganoon naman talaga, it doesn't matter whether you are moving to 5, you're moving to 2, [or] you're moving to 7.
"Yeah, sometimes we are given opportunities. Sometimes we feel na we will grow in certain stations.
"It's an industry and at the end of the day, huwag nating kalilimutan na it's still a business.
"Not necessarily na puro pera, pero you want to find growth.
"So it doesn't matter...I mean, if you've paid your dues naman,
"If magpapaalam ka nang maayos and kung hindi ka naman...
"If you're not gonna breach any contract, okay lang iyon."
Kapag tapos na ang kontrata niya sa Dos at binigyan siya ng malaking offer ng ibang network, ano ang gagawin niya?
"Well, I honestly don't know.
"Hindi ako magiging hipokrito, but I honestly don't know.
"Kung ano ang makakatulong at makagaganda sa career ng bawat artista... [their] growth as a person, as an artist...e doon ako."
Posible ba silang magkasama ni Jennylyn sa isang proyekto sa hinaharap?
"Medyo malabo," pailing niyang tugon.
"Kung sakaling magsama man kami, most probably ay sa commercial lang.
"Dahil taga-7 nga at 2 kami," pagtatapos ni Luis.
PEP, Nonie V. Nicasio, Saturday, December 3, 2011 08:37 PM