|
Post by nicky on Nov 22, 2011 3:33:31 GMT 8
Kinuha ng San-Yang Furniture sina Jennylyn at Alex Jazz na mag-endorse ng kanilang produkto. Kamakalawa ang kanilang pictorial at contract-signing na rin. Gaya ni Jennylyn, excited si Patrick sa first endorsement ng kanilang anak kaya sinadya niya ito sa pictorial para kumustahin ang bagets. Maiksi lang ang pasensya ni Jazz. Kapag matagal itong nakasalang sa pictorial, naiirita ito at gustong hubarin ang kanyang suot. Pinagtitiyagaan ito para mairaos ang pictorial. Tuwang-tuwa si Jennylyn sa pagkuwento sa aming hindi siya makapaniwalang meron nang raket ang kanyang anak. “Nakakatuwa, kasi, may nagpadala ng kontrata ni Jazz. Ang cute-cute naman. May endorsement na siya at may TF (talent fee), ha?!” natatawang pahayag ng aktres na proud na proud sa anak. “I think ito lang ang first endorsement. Sinubukan ko lang kung kaya na ba niya. I think, gusto pa niyang maglaro. Saka gusto ko, mag-aral muna siya,” sagot ni Jennylyn nang tinanong namin kung posibleng pasukin na ba ng kanyang anak ang showbiz. Kahit si Patrick ay ganun din ang gustong mangyari na mag-focus si AJ sa pag-aaral at wala muna ang showbiz. Abante-Tonite, Gorgy Rula, 11/17/2011
|
|
|
Post by nicky on Nov 22, 2011 3:35:03 GMT 8
credit: pep
|
|