Post by leidicamp on Nov 21, 2011 10:54:16 GMT 8
Blooming sa sobrang saya sa GF, Luis may anniversary na kay Jennylyn
SHOWBIZ NEWS NOW NA! Ni Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon)
Sa programang Kris TV kamakailan ay inamin ni Luis Manzano na mayroon na silang anniversary ng kasintahan na si Jennylyn Mercado. Ano na ba ang tunay na estado ng relasyon ngayon ng dalawa?
“Sabi ko nga life has its own way of surprising us pero we still have a long way to go. Kumbaga before we had our feet sa gray area, pero ngayon kumbaga we know where we stand,” seryosong pahayag ni Luis.
Naikuwento rin ng binata kung gaano kaespesyal ang araw kung kailan naging opisyal ang kanilang pag-iibigan.
“Kumakain lang kami eh, ano okay na? Okay na? It was a very nice moment. Medyo okay naman, kampante naman. Naniguro lang ’yon,” nakangiting kuwento ng aktor.
“’Di ba sinasabi nga nila when everyone’s asking ang sinasabi ko when the time comes mangyayari ’yun,” dagdag pa ni Luis.
Napawi ang lahat ng sakit na naramdaman ng binata sa kanyang buhay pag-ibig noon.
“Ayaw ko naman sabihin na, once I say na pain parang ang dami namang may atraso sa akin, hindi. Kumbaga sa lahat ng failed attempts but right now let’s say na it’s a very, very clean state with a very, very fresh start,” paliwanag ni Luis. Ipinagmamalaki rin ng binata ang lahat ng katangian ni Jennylyn na nakapagpapasaya sa kanya.
“She’s very, very malambing at very, very maalaga. She bakes and she cooks for me. Ako, mga once or twice lang yata ako nakapagluto sa kanya. Kahit gaano pa tayo katanda o ka-jaded sa pagmamahal, meron pa rin tayong inner baby na gustong inaalagaan,” pagdedetalye ng aktor.
Masayang-masaya si Luis ngayon sa takbo ng kanyang career, love life, at pamilya.
“It exudes ’yung aura mo, marami ang nagsasabi. Apparently blooming ako. So I guess ’yung happiness na ’yun it translates to how I am, how I act, how I talk, it gives you that extra oomph, extra gusto,” pagtatapos ni Luis.
here's the complete link
www.philstar.com/Article.aspx?articleId=750310&publicationSubCategoryId=96