|
Post by jefflly on Nov 20, 2011 1:07:15 GMT 8
Jen and Luis' soulmate finally meetMARAMI ang nagulat nang biglang umamin si Luis Manzano sa interview ng, “Oo, kami na,” patungkol sa relasyon niya kay Jennylyn Mercado. Komento tuloy ng isa naming kaibigan, hindi kaya hinintay lang ni Luis na umamin ang ex-GF niyang Angel Locsin tungkol sa relasyon naman nito kay Phil Younghusband? Kamakailan kasi, sinabi na ni Angel na maligaya siya sa piling ng Azkal player. Ayaw na naming bigyan ng ibang kahulugan ang pag-amin ni Luis sa real score nila ni Jen dahil nakakatuwang malaman na may bagong nagpapaligaya na kina Luis at Angel. Kahit pa inamin na ni Luis na sila na ni Jen, tumanggi ang binata ni Gov. Vilma Santos-Recto na sabihin kung kailan naging sila. Say ni Luis, naipakilala na rin naman daw niya si Jen sa kanyang ina, pero hirit ng host-actor, hindi pa raw gaanong nakakapag-bonding sina Ate Vi at Jen. Ayon pa kay Luis, maging ang bestriend at soulmate niyang si Anne Curtis, personal na rin daw nakilala ang kanyang girlfriend. Simpleng “hi and hello” lang daw ang nangyari between Jen and Anne dahil may lakad sila ni Jen that time. Pero sinabi raw ni Anne sa kanya, even before pormal niyang makilala si Jen, gusto ng Pinay-Australian actress na maka-bonding din si Jennylyn. Maging ang Kapuso actress, nabanggit na rin sa isang interview na “mayroon na kaming parang formality. Basta kaming dalawa, formal na rin ’yung relationship namin,” patungkol naman kay Luis. /via Journal, 11/20/2011, Beth Galena
|
|