Post by jefflly on Nov 18, 2011 1:59:41 GMT 8
Jennylyn at Luis, maghu-host ng ‘event’ ni Ate Vi!
Nakabalik na nga si Batangas Governor Vilma Santos-Recto mula sa kanyang dalawang linggong bakasyon sa Thailand at Malaysia kasama ang mister na si Senator Ralph Recto at anak na si Ryan Christian.
Hindi nga nakasama si Luis Manzano dahil nag-taping na ito ng bagong series na Alta sa ABS-CBN. Si Luis kasi ang pumalit sa role ni Sam Milby na mas priority ay ang magiging career sa Amerika.
Birthday gift ni Ate Vi para sa kanyang sarili ang mahaba-habang bakasyon kasama ang kanyang pamilya. Ilang buwan din niyang inasikaso ang mga naging problema sa Batangas, lalo na noong magkaroon ng mga fish kill sa Taal Lake at sa nagdaang mga bagyo roon.
Pati na ang paglalagay nga raw ng malaking sign sa may Taal Volcano na ‘Batangas’ ay naipatong din sa balikat ni Governor Vi at naging malaking kontrobersya pa.
Pero ngayon ay under control na ang lahat at nakapagbakasyon ng tahimik at maayos ang actress-turned-politician.
Bago nga nagbakasyon si Governor Vi ay nakapag-taping siya ng final episode ng 100 Days To Heaven at nagsimula na siyang mag-shooting para sa Chito Roño film for Star Cinema na The Healing kunsaan kasama niya si Kim Chiu.
“I’m ready to work again dahil recharged na ako,” sey pa ni Gover-
nor Vi.
“Masarap ang bakasyon ko at talagang nakapagpahinga ako.
“Alam ko na maraming trabaho ako ulit na haharapin, kaya back to reality tayo.”
Ngayon December ay may isang bonggang music festival na magaganap sa Batangas City. Isa nga ito sa pinagkakaabalahan ni Governor Vi.
May nakapagsabi nga sa amin na ang magiging host ng naturang event ay ang anak niyang si Luis at girlfriend nitong si Jennylyn Mercado.
Kung totoo ito, ito ang first time na magkakasama sa isang event ang matagal nang nababalitang magkarelasyon na Luis at Jennylyn.
Abante, Ruel Mendoza, 11/18/2011