Post by nicky on Oct 25, 2011 22:53:17 GMT 8
‘Di raw totoong ‘di niya gusto si Jennylyn Mercado Gov. Vilma Santos, inililigaw ang anak na si Luis Manzano!NOONG
FRIDAY AY pinuntahan ni Jennylyn Mercado si Governor Vilma Santos-Recto sa Kapitolyo ng Batangas para sa kanyang exclusive interview na ipinalabas sa Showbiz Central ng GMA-7. Para kay Jen, kakaibang karanasan iyon, dahil kung anu-anong intriga ang naglalabasan tungkol sa kanila dahil nga sa isyu ng ligawan nila ni Luis Manzano. Matagal na kasing naglalabasan ang tsika na hindi umano boto sa kanya ang Star for All Seasons para maging manugang!
Nasaksihan namin ang nasabing panayam ni Jennylyn kay Ate Vi. Halata si Jen na kabado pa sa engkuwentro nilang iyon, lalo pa’t hindi naman siya nagpapakaperpekto bilang baguhan sa pagho-host ng talkshow. Nahahalata ng mommy ni Luis na parang kinakabahan ang Kapuso star, kaya hinahawakan pa niya sa kamay si Jen at sinasabing huwag siyang kabahan, dahil magaling naman siyang mag-interbyu. Kaya tuwang-tuwa ang mommy ni Alex Jazz nang makumpleto ang kanyang mahabang interbyu.
Maaliwalas ang hitsura ngayon ni Jennylyn. Maganda ang kanyang mukha. Lagi na rin siyang naka-ngiti. Nabawasan na kasi siya ng mga problema, at ang maganda na lang sigurong mangyari ay ang pagkakapatawaran nila ng dating nakarelasyong si Dennis Trillo.
Nabigla si Jen nu’ng dumako sa usapin ng mga manliligaw ang tsikahan nila ni Ate Vi, dahil tinanong siya nito kung: “Jen, pinalusot mo na ba ang anak ko?” na ibig sabihin ay kung sinagot na niya si Luis. Tumawa lang si Mercado, pero sa mga birong pagbubuking ng wife ni Senator Ralph Recto ay lumalabas na laging welcome at iniimbitahan ang Kapuso actress kapag may mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya.
Melchor Bautista, October 24, 2011, journal.com