|
Post by LuisJen on Oct 24, 2011 1:23:22 GMT 8
Jennylyn Mercado interviewed Gov. Vi in Batangas on 21.10.2011 and shown in Showbiz Central on 23.10.2011credit: as tagged
|
|
|
Post by LuisJen on Oct 24, 2011 1:27:20 GMT 8
Ms. Jennylyn Mercado on Showbiz Central with Ms. Vilma Santos (Part 1)
|
|
|
Post by LuisJen on Oct 24, 2011 1:45:45 GMT 8
Jennylyn Mercado interviews Governor Vilma Santos-Recto on her 49th anniversary in showbiz Not to be missed this Sunday (October 23) sa Showbiz Central ang exclusive one-on-one interview ni Jennylyn Mercado kay Star for all Seasons at Batangas Governor Vilma Santos-Recto. Dinayo pa ng Starstruck Ultimate Female Survivor at ngayo'y celebrated TV host ng Showbiz Central si Governor Vi sa Batangas City. Mainit ang pagtanggap sa kanya ng actress-politician na ina rin ng nali-link romantically kay Jennylyn na si Luis "Lucky" Manzano. Ginawa ni Jennylyn ang exclusive interview na ito dahil sa nalalapit na birthday ni Governor Vi on November 3 at sa magiging 49th anniversary nito sa showbiz. Maraming ni-reveal si Governor Vi tungkol sa kanyang showbiz career, pagiging isang politician at ang kanyang pagiging ina kina Luis at Ryan Christian at pagiging maybahay kay Senator Ralph Recto. Pero ang talagang aabangan ay ang masayang kuwentuhan at tawanan nila Governor Vi at Jennylyn. May kuwento ang aktres at TV host kung paano siya naging mahusay sa pag-interview na kinatuwa nang husto ni Governor Vi. Bago nagsimula ang one-on-one interview, sinabihan ni Governor Vi si Jennylyn na huwag itong kabahan at mag-enjoy lang siya sa kuwentuhan nila sa harapan ng kamera. Relax lang daw ito para maitanong nito ang lahat ng gusto niya. Nagbigay rin ng advice si Governor Vi kay Jennylyn, lalo sa pagiging isang ina. At nabanggit pa niya na always welcome ang aktres sa anumang okasyon ng kanilang pamilya. Ang hectic schedules lang ni Jennylyn ang nagiging problema kaya hindi ito parating nakakarating. Ilan lang 'yan sa mga aabangan ng mga Vilmanians at ng fans ni Jennylyn ngayong Sunday sa Showbiz Central, 4 p.m. on GMA-7 pagkatapos ng Reel Love Presents Tween Hearts. PEP, Ruel J. Mendoza, Saturday, October 22, 2011, 11:04 AM
|
|
|
Post by LuisJen on Oct 24, 2011 2:06:50 GMT 8
Vilma Santos kay Jen Mercado: Pls take good care of Luis ManzanoMariing pinabulaanan ngayon ng award-winning actress at ngayon ay Batangas Governor Vilma Santos ang balitang ayaw niya sa actress/singer na si Jennylyn Mercado para sa anak niyang si Luis "Lucky" Manzano. Ayon kay Ate Vi, hindi siya ang tipong magdidikta sa kanyang anak kung sino at anong klase ng babae ang dapat makatuluyan nito. Hindi raw siya nakikialam sa personal na buhay ng anak at sa halip ay "guide" lamang daw siya ni Lucky kapag nagkakaproblema. "Hindi ako umaayaw. Hindi ako nagsasabi ng pabor. Basta ang importante kung sino ang gusto ng anak ko, maligaya siya. Kung 'yon ang gusto niyang mapangasawa, it will be his decision," pahayag ni Gov. Santos. Sa katunayan aniya ay hanga siya sa dagdag na career ngayon ng singer bilang TV host dahil natural na natural daw ang dating nito. Noong nakaraang araw lang din daw nang magkita sila ng rumored girlfriend ni Luis kaya't hindi sila dapat gawan ng pangit na isyu. Sinasabing inabisuhan ng tinaguriang "Star For All Seasons" si Jennylyn na ingatan ang anak nitong si Lucky. /via bomboradyo, Sunday, 23 October 2011
|
|
|
Post by LuisJen on Oct 24, 2011 2:43:22 GMT 8
Gov. Vi will celebrate another milestone on November 3 and she will celebrate it in a nearby Asian country with her family, except eldest son Luis Manzano who’s busy with "Pilipinas Got Talent" and his new soap, "Alta," with KC Concepcion, Angelica Panganiban and Gretchen Barretto. Last Sunday, Jennylyn Mercado thanked her personally in "Showbiz Central" for the basket of atis she sent to Luis’ rumored new squeeze. Jen requested to interview her for "Showbiz Central" in the occasion of her coming birthday and she agreed. To Gov. Vi, our best wishes on your natal day! /via Malaya, Mario Bautista, October 24, 2011 Happy Birthday Gov. Vi!
|
|
|
Post by LuisJen on Oct 24, 2011 3:27:35 GMT 8
the same photo as above but this latest one has no watermark credit: philstar
|
|
|
Post by LuisJen on Oct 24, 2011 3:34:12 GMT 8
Jennylyn kabado nang makaharap si Tita ViMatunog na Tita Vi ang tawag ni Jennylyn Mercado kay Batangas Governor Vilma Santos. Ang say ni Jennylyn, magkahalong kaba at excitement ang na-feel niya nang magharap sila ni Gov. Vi noong Biyernes. May dahilan para kabahan si Jennylyn dahil si Vilma ang madir ng lalaki na malapit ngayon sa kanyang puso, si Luis Manzano. Napansin nga ni Vilma na kinakabahan si Jennylyn dahil siya pa ang nagsabi na umpisahan na ng huli ang pagtatanong sa kanya. Kahit sino ang nasa lugar ni Jennylyn, talagang kakabahan kung ang Star For All Seasons at successful public servant ang kanilang makakaharap at makakausap. Ang masayang meeting ng dalawa ang proof na hindi totoo ang mga tsismis na hindi happy si Vilma sa special friendship ng kanyang anak kay Jennylyn. /via Pilipino Star Ngayon, Lolit Salis, October 24, 2011
|
|
|
Post by nicky on Oct 25, 2011 22:50:26 GMT 8
Maganda at masaya ang interview ni Jennylyn Mercado kay Batangas Governor Vilma Santos sa Showbiz Central at kahit may mga tanong na naitanong na, parang bago pa rin ang dating. Pinuri ni Vilma si Jen na magaling daw mag-host. Cute ’yung eksenang ipinakita ni Vilma kay Jen ang baby pictures ni Luis Manzano at ang bilin nitong alagaan si Luis at “I will” naman ang sagot ni Jen. Pag-amin na kaya ’yun sa relasyon nila. Isa sa mga tanong ni Jen kay Vilma ay kung anong intriga ang nakaapekto ng lubos sa kanya? Betamax Queen issue ang sagot ni Vilma na iniyakan daw niya, pero ngayon, pinipili na niya ang giyera niya (ang ganda ng word). Birthday ni Vilma sa November 3, pero sa abroad siya magsi-celebrate with her family dahil may two-week vacation sila. Sa kanyang pagbabalik, saka siya magpapa-party at imbitado si Jen sa party na ’yun. /via journal
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2011 3:48:01 GMT 8
Showbiz Central, mataas ang ratings dahil tinutukan ang paghaharap nina Jennylyn Mercado at Batangas Governor Vilma Santos. Matutuwa si Jennylyn dahil positive ang feedback sa exclusive interview niya kay Vilma. /via philstar.com, Lolit Solis, October 26, 2011
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2011 3:50:03 GMT 8
Gov. Vi aliw na aliw kay JennylynBotong-boto si Gov. Vilma Santos kay Jennylyn Mercado para sa anak na si Luis Manzano. May lumabas kasing balita kamakailan na hindi boto si Ate Vi kay Jennylyn kaya agad nilinaw ni Luis ang isyu. “Boto si mommy kay Jennylyn base sa text messages pa lang sa akin about Jennylyn after their interview para sa talk show nila sa kabila. Aliw na aliw siya kay Jennylyn and my mom is being very objective bilang isang ina sa kanyang pahayag pero I know my mom is very happy kung anuman ang estado namin ni Jen. “Every time she texts me regarding Jen, papuri ang mga sinasabi ni mommy,” pahayag ni Luis. Ayon pa sa binata, labis niyang kilala ang ina kung gusto o hindi nito gusto ang isang tao. “Hindi niya sinasabing diretso pero mararamdaman mo. You can feel the sincerity kasi si mommy ko naman hindi naman siya ’yung ganun ka-brutal pero mararamdaman mo kung ayaw niya sa isang tao,” paglilinaw ni Luis. —Reports from James C. Cantos, philstar.com, October 26, 2011
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2011 4:06:58 GMT 8
Jennylyn digs Vilma’s personal life ’DI man i-articulate ni Ate Vi (Batangas governor cum Star for all Seasons Vilma Santos), somehow, obvious na ‘amoy’ na niya kung sino ang kasalukuyang ‘love’ ng kanyang elder son na si Luis Manzano sa kasalukuyan. Kailangan pa ba naming tukuyin na siya ay si Jennylyn Mercado? Well, Jennylyn had a one-on-one interview with Ate Vi in Batangas for the showbiz talk program Showbiz Central on GMA-7, which Jennylyn co-hosts with Rufa Mae Quinto, Pia Guanio, John Lapus at Raymund Gutierrez every Sunday. Mga personal na bagay tungkol sa pagiging government official ni Ate, pagiging artista niya for four decades now, pagiging asawa to Senator Ralph Recto and, of course, pagiging ina to Luis and Ryan Christian ang itinanong ni Jennylyn sa kanyang hopefully, future mother-in-law. Which Ate Vi graciously and sincerely answered. At bago naghiwalay ang dalawa, heto ang bilin, kung hindi man pakiusap ni Ate Vi kay Jennylyn: “Alagaan mo si Luis, ha.” To which ang happy reply ni Jennylyn ay: “Opo.” Wow, do we hear wedding bells? /via journal.com, October 25, 2011, Nel Alejandrino
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2011 4:10:58 GMT 8
Vilma to Jennylyn: Take care of Luis Maganda at masaya ang interview ni Jennylyn Mercado kay Batangas Governor Vilma Santos sa Showbiz Central at kahit may mga tanong na naitanong na, parang bago pa rin ang dating. Pinuri ni Vilma si Jen na magaling daw mag-host. Cute ’yung eksenang ipinakita ni Vilma kay Jen ang baby pictures ni Luis Manzano at ang bilin nitong alagaan si Luis at “I will” naman ang sagot ni Jen. Pag-amin na kaya ’yun sa relasyon nila. Isa sa mga tanong ni Jen kay Vilma ay kung anong intriga ang nakaapekto ng lubos sa kanya? Betamax Queen issue ang sagot ni Vilma na iniyakan daw niya, pero ngayon, pinipili na niya ang giyera niya (ang ganda ng word). Birthday ni Vilma sa November 3, pero sa abroad siya magsi-celebrate with her family dahil may two-week vacation sila. Sa kanyang pagbabalik, saka siya magpapa-party at imbitado si Jen sa party na ’yun. /via journal.com, October 25, 2011, Nitz Miralles
|
|
|
Post by nicky on Oct 26, 2011 4:36:07 GMT 8
Positive ang feedback sa VTR interview ni Jennylyn Mercado kay Gov. Vilma Santos na inere sa Showbiz Central last Sunday. Nabura ang speculations na hindi siya type ni Ate Vi for Luis Manzano at ayon nga mismo sa Star For All Seasons, hindi siya nakikialam sa love life ng panganay na anak. Very comfortable naman si Jen with Gov. Vi. Nakakatuwa na binanggit ng Star for All Seasons na magaling na ang aktres na mag-host at sumagot naman si Jen na tinuturuan kasi siya ni Luis. Overwhelmend si Jen sa interview with ate Vi dahil hindi nga naman lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makapanayam ang magaling na aktres/politician. Sa kanyang career naman, ang latest ay may bago siyang endorsement kung saan ay makakasama niya ang anak na si Alex Jazz. May bago rin siyang slimming product endorsement. Jen is also training for triathion run this November. She’s also taking up dance lessons for her production numbers sa Party Pilipinas. Balak din niyang isingit ang cooking and baking class. So far ay tatlo ang regular shows ni Jen sa GMA-7 -- Party Pilipinas, Showbiz Central and Protégé. At kasalukuyang hinihintay niya ang bagong soap na ibibigay sa kanya ng network. Sa kabila ng pagiging busy ng aktres sa trabaho ay sinisigurado niyang hindi niya napababayaan ang anak. Very hands on siya sa pagpapalaki kay Jazz and she always finds time na ipasyal ito. /via journal.com, Vinia Vivar, October 26, 2011
|
|
|
Post by nicky on Oct 27, 2011 1:15:47 GMT 8
Luis ibinilin na ni Gov. Vi kay JennylynMukhang nalilinya sa paghu-host si Jennylyn Mercado. Kahit maikli lang ang exposure niya sa Inside Protégé gabi-gabi, kung ganun namang malaki ang itinataas ng rating ng show mabilis din ang pagtaas hindi lamang ng popularidad ni Jennylyn kundi maging ng kanyang status bilang isang artista nang mag-host na rin siya ng Protégé at maging ng Showbiz Central. Isang accomplishment niya na maituturing ’yung pag-i-interview niya sa gobernador ng Batangas na si Vilma Santos. Nabura sa isipan ng lahat ’yung inaakala nilang ’di pagkikita ng eye to eye ng future magbiyenan dahil obvious na wala silang ilangan at kumportable sa kanilang pagsasama. Nakita rin ang pagiging sport ng dalawang pinakamahalagang babae sa buhay ngayon ni Luis Manzano nang ibilin ng gobernadora ang anak sa aktres na “take care of Luis” at sumagot naman si Jen ng “I will.” /via philstar.com, Veronica R. Samio, October 27, 2011
|
|