|
Post by jefflly on Oct 3, 2011 0:22:05 GMT 8
Luis Manzano says he and Jennylyn Mercado are not a couple: "Pero hindi ko sinasabing hindi puwedeng mangyari dahil yun ang intensyon ko."Consistent ang mga sagot sila Luis Manzano at Jennylyn Mercado na hindi pa umaabot sa pormal na relasyon ang samahan nilang dalawa. Marami tuloy ang nagtataas ng kilay kung bakit kinakailangang mag-deny pa raw ang dalawa kung totoo ngang may relasyon na sila. Kapwa naman silang single at walang matatapakang tao kung saka-sakali, lalo't nagpahayag naman si Governor Vilma Santos na boto rin siya sa aktres para sa anak. Para sa iba, hindi nila maintindihan ang desisyon ng dalawa na wag pa raw aminin kung mayroon nga talagang dapat aminin. continue reading in PEPMelba R. Llanera, Sunday, October 2, 2011 07:12 PM
|
|
|
Post by jefflly on Oct 19, 2011 2:30:59 GMT 8
Jen on Luis: ‘Hindi pa talaga kami… ingat ako ngayon’Manila, Philippines – CONSISTENT pa rin si Jennylyn Mercado sa pagsasabing exclusively dating pa lang sila ni Luis Manzano for six months. Kahit sinabi na ni Luis na milya-milya na ang lampas nila sa MU (as mutual understanding ) level, ang press release ni Jen, hindi pa niya sinasagot ang TV host-actor. “Hindi pa talaga kami,” pagdidiin ni Jen sa TEMPO at ilang entertainment writers na dumalaw sa set ng “Futbolilits” sa Brookside Hills, Cainta, Rizal. “Kinikilala ko pa rin si Luis. Mas maingat na ako ngayon sa pakikipag-relasyon at ayokong ma-trauma (laughs),” ani Jen. Ano ang reaction niya sa sinasabi ng iba na mabilis siyang ma-in love? Na mabilis siyang naka-move on sa break-up nila ni Dennis Trillo? “Seven months na kaming wala ni Dennis. Six months naman kaming exclusively dating ni Luis,” ani Jen. Totoo bang physically sinaktan siya ni Dennis? No comment si Jen at dinaan sa makahulugang ngiti ang sagot. She need not elaborate at na-get ng entertainment writers ang ibig niyang sabihin. Ano bang nagustuhan niya kay Luis? “Masaya siyang kasama. No dull moment with him.” Bakit Mats ang tawagan nila sa isa’t isa? “Nagga-graphling (whatever it is) kasi kami.” Gustung-gusto ni Luis ang carrot cup cake na si Jen mismo ang nagbe-bake. Napadalhan na ba niya ang mommy nitong si Governor Vilma Santos-Recto? “Ay, hindi pa,” ani Jen. Kilala ba niya si N.M., bagong girlfriend ni Patrick Garcia? “Hindi! Masaya ako for him. Hindi isyu sa akin kung may bago siyang girlfriend.” (Rowena Agilada) /via Tempo, Oct 4th, 2011
|
|