Jennylyn, niregaluhan ni Luis ng singsing[omitted non-relevant parts]
Isa si Jennylyn sa mga umupong hurado sa kanilang pa-contest na ‘yun bilang bahagi ng kanilang foundation day.
Nang ipinakilala ni Gov. Vilma Santos si Jennylyn, sinabi niyang hindi niya alam kung paano ito ipapakilala.
Sabi ni Gov. Vi, “We have a friend of my son, a very beautiful lady, Jennylyn Mercado.
“Jen, hindi ko alam kung papaano ka i-address, eh.”
Biglang nag-voice over si Luis na host sa naturang event ng “Girlfriend, mom,” kaya nagtilian ang mga tao.
“May permiso ba ‘yan, anak? Pwede ba ‘yun, Jen? tanong ni Vilma kay Jennylyn, na tumango naman.
Kaya inulit ni Gov. Vi ang pag-introduce kay Jennylyn ng, “Okay lang, ladies and gentlemen, the girlfriend of my son Luis, Jennylyn Mercado!”
Marami ang kinilig sa eksenang ‘yun pero aminado si Jennylyn na nahihiya pa rin daw siya at natatakot kapag kasama niya ang pamilya ni Luis lalo na si Gov. Vi.
“Syempre, masaya po dahil kahit sino namang magulang, basta tanggap nila ‘yung girlfriend o boyfriend nu’ng anak nila eh masarap ‘yung pakiramdam,” nahihiya pa niyang sagot sa tanong ng mga reporter.
Pero proud siyang ibinalitang niregaluhan siya ni Luis ng singsing, pero nilinaw niyang hindi ‘yun engagement o couple ring, lalo na’t wala raw suot na singsing si Luis.
“It’s a simple gift. Hindi po siya engagement ring, hindi siya anything else. It was a gift, one of those things na I knew she wanted it, and I got it for her as a gift,” pakli ng actor/TV host.
Kaya hindi sinagot ni Gov. Vi ang tanong namin kung napapag-usapan na ba ng magkasintahan ang kasal.
“Ayokong magsalita pero alam mo ‘yung priority ko, ‘yung kaligayahan ng anak ko.
“Nagpapasalamat ako kay Jen na nakikita ‘nyo naman na napaka inspirado ng anak ko and for that I’m very thankful and I could see naman the care, the support, the love na binibigay ni Lucky kay Jen.
“Siguro, nagku-compensate silang dalawa. Tama na hanggang du’n lang, ayoko na, ayokong maging tsismosa,” natatawang pahayag ni Gov. Vi.
First Christmas nila bilang magkasintahan, at tiyak na magkasama sila sa araw na ‘yun.
Abangan sa Startalk ang mga nakakakilig na eksenang ito na nangyari sa naturang festival sa Batangas.
Abante-Tonite, GORGY RULA, 12/10/11