PART 1. Governor Vilma Santos appears on a billboard with ex-husband Edu Manzano "for the love" of their son LuisSa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Star For All Seasons at Batangas Governor Vilma Santos, tinanong namin siya kung ano ang nakikita niyang pagkakaiba sa anak niyang si Luis Manzano sa relasyon nito noon kay Angel Locsin, at sa relasyon nito ngayon sa girlfriend niyang si Jennylyn Mercado
"Hindi ko alam!" natatawang sagot ni Ate Vi.
"Kasi si Lucky 'yon.
"Marami silang pinag-uusapan, maraming nangyayaring hindi ko alam.
"Wala ako doon. How would I know? Ha-ha-ha!
"Pero ang alam ko, si Angel din ay...minahal niya 'yon."
Bilang ina, paano ba niya inaalalayan si Luis sa mga panahong nabibigo ito sa pag-ibig?
"Siya ang lumalapit, oo," pagkumpirma ni Ate Vi.
"Basta't ang sa akin lang...alam ko naman, e.
"Tatawag 'yan. Isang tanong nga lang: 'Are you okay?'
"'No, Mom.'
"'A, I'll go there... I'll have dinner. We talk.'
"Pero hindi 'yong, 'Ay, bakit kayo nag-break Ano ang dahilan?'
"Hindi gano'n, 'no?
"Quiet, behave si Mommy.
"Tatanungin ko lang sa kanya, 'Anak, what happened? Okey ka lang? Kaya mo?'
"Iyon ang mga tanong ko sa kanya... 'Kaya mo?'
"Kaya raw. O, e, 'Di sige anak.' 'Yon lang.
"And then, words of wisdom... long way to go.
"Maybe it's not meant. But that doesn't mean it's the end of the world.
"So, go on, sabi ko. Tutal kapag iyo, sa iyo. Kapag hindi, as early as this, hindi.
"Gano'n lang. Hindi ako 'yong nangungulit na, 'Bakit inaway ka?' Na... 'May third party ba?'
"
EMOTIONAL WHEN IT COMES TO LOVE. Si Luis ba pagdating sa pag-ibig, parang siya o ang ama nitong si Edu Manzano?
"Parang ako," sagot ni Ate Vi.
"Malalim magmahal. And then, emosyunal, e.
"Kaya no'ng may problema siya no'n, sabi ko sa inyo, 'Pagbigyan n'yo na ang anak ko, emosyunal iyon, e.'
"Di ba, naaalala ninyo? No'ng tinira-tira nga ng iba diyan siguro, naano talaga ako.
"Na... Di ba, sinagot ko lang? Na sabi ko, 'Pagbigyan na lang si Lucky kasi kahit lalake 'yan, emosyunal 'yong anak ko.'
"Pag nagmahal, masyadong emosyunal, e. Kaya kung minsan, may kung ano ring hindi nagagawa. Na pati Twitter, pinapatulan.
"Kaya sabi ko, 'Pagbigyan n'yo na kasi he is really emotional.'
"Hindi n'yo ba nakikita na napaka-transparent niya?
"Kapag malungkot at may problema, kahit sa show niya na E-Live, kita mo pag galit. Pero kita mo rin kapag masaya.
"Di ba, you can see in his face? He's very transparent.
"Kasi nga, emosyunal, e. Kapag emosyon, lumalabas 'yan.
"And Lucky is like that.
"Sabi ko nga sa kanya, 'Anak, you just be careful.'
"At iniisip ko naman na ang press, lalo 'yong mga matagal ko nang nakasama, will understand my son.
"Knowing my son, walang masamang tinapay o intensiyon.
"Kaya lang, sobrang ma-in love. Sobra talaga.
"And then puro emosyon.
"Do'n ko nga siya gina-guide, e.
"Kaya ako, laging 'it's not the end of the world.'
"Do'n ko nga siya well-guided."
Umiiyak din ba si Luis kapag brokenhearted?
"No comment!" nangiting sabi ni Ate Vi.
"Ayoko nga! Baka habulin ako ng anak ko, 'Bakit ikinakalat mo?'"
MISSING ANGEL. Nami-miss din ba niya ang ex-girlfriend ni Lucky na si Angel Locsin dahil naging malapit din ito sa kanya noon?
Sagot ni Ate Vi, "Oo naman. Kasi nakakasama rin namin siya before.
"Matagal-tagal din naman naming nakasama si Angel.
"Ano naman, mabait din naman si Angel.
"Pero sabi ko nga...nakikita namin mga special occasions.
"So we don't know 'yong totoong istorya kapag kayong dalawa dahil kayo ang magkarelasyon, di ba?
"Pero kung sasabihin mo nakakasama ng lakad ng family, nakaka-miss din. Gano'n.
"But at the end of the day, if they're not meant, they're not meant.
"Because kung tatanungin ako, being the mother of Lucky, priority ko ang kaligayahan ng anak ko.
"Hindi ako makikialam kahit na sino. Pero priority ko ang kaligayahan niya.
"Masaya ang anak ko, doble ang saya ko.
"Masakit ang loob ng anak ko, doble ang sakit ng loob ko.
"Gano'n 'yon."
CHERISHED POSSESSION. May bagong billboard si Luis para sa Bench. Pero marami ang naiintriga kung bakit si Ate Vi at ang ex-husband na si Edu Manzano ang kasama ni Luis, at hindi ang mister ngayon ng aktres na si Senator Ralph Recto.
Natatawang paliwanag ni Ate Vi, "E, kasi, hindi naman si Ralph ang tatay ni Lucky!
"Alam naman ng buong mundo.
"At saka siyempre, ang model ng Bench, si Lucky."
"Cherished possession" daw ang tema ng bagong pictorial na iyon ni Luis para sa Bench.
Kuwento ni Ate Vi, "At sabi ni Lucky, ang kanyang cherished possession ay mga magulang niya. Hindi naman ang Tito Ralph niya.
"'Yong pictorial na iyon, ano lang 'yon...we did it for our son.
"Kasi tinanong siya ng Bench, iyon yata ang theme nila ngayong Christmas—ano ang cherished possession niya.
"'Parents ko,' ang sabi niya.
"E, siyempre, kaming dalawa iyon ni Eduardo."
Bayad din ba sila ni Edu sa pictorial na iyon for Bench?
"For the love of Lucky!" sabay tawa ulit ni Ate Vi.
"Alangan namang presyuhan pa namin ang anak ko?
"So, ginawa namin iyon.
"May token naman for the foundation... for the charity [sa Batangas].
"But again, for the love of Lucky, ni hindi pinag-usapan iyon.
"Kasi, ginawa namin iyon for him.
"At masaya naman 'yong photo shoot namin for that.
"And siguro isang bagay iyon na ipinagpapasalamat ko sa Diyos.
"Sa tinagal-tagal na namin ni Ralph, hindi problema 'yong magkakasama kami ni Eduardo na ganyan.
"Hindi problema sa amin iyon.
"Gano'n ka-open ang buhay ko, which I think is a plus factor.
"Wala akong itinatago sa tao, di ba?
"And I think it's fine with Ralph na magpi-pictorial ako kay Edu.
"Tanggap naman ni Edu na may pamilya ako.
"And yet, when we're together, isa kaming... we're one big family.
"Si Lucky at saka ako ang nagpaalam kay Ralph tungkol sa pictorial na iyon. Oo.
"Alam mo, madali namang makaintindi si Ralph, e.
"Hindi problema kay Ralph 'yong, 'Kailangan sa Bench, cherished possession niya ako at si Edu.'
"Sabi agad niya, 'Yeah, sure, walang problema'.
"Edu naman is... hindi pa rin naman nagbabago.
"Anything to do with the family, alam niyang for Lucky, nandiyan din siya all the time.
"Kaya nga suwerte ako, 'no?"
EDU'S LOVELIFE & CAREER. Speaking of Edu, may balitang nagkabalikan na raw sila ng newscaster na si Pinky Webb. Hindi maiwasang matanong din si Ate Vi tungkol dito since magkaibigan nga sila ng kanyang ex-husband hanggang ngayon.
Pero aniya, "Hindi ko alam.
"And hindi ako nagtatanong. Ayoko.
"Nahihiya rin ako para magtanong sa tungkol sa lovelife niya.
"Nagkabalikan ba? Hindi ko alam iyon.
"Pero ano naman...mukha namang happy si Eduardo. Di ba?"
But how does she feel na parang nawalan na ng showbiz career si Edu?
Ayon kay Ate Vi, "Baka ano lang... Kasi si Eduardo, hindi mo matatawaran ang galing, e, especially sa hosting.
"'Yong acting ni Lucky, Eduardo iyon, e. 'Yong mahilig mag-joke. At saka 'yong sayaw-sayaw?"
Patuloy niya, "Sometimes, may dumarating sa atin na mga wrong decisions.
"So, ewan ko, baka natiyempuhan lang si Eduardo ro'n.
"I'm talking about career path.
"I know mas may babagay na show for him, pero walang nagbibigay sa kanya no'n at this point.
"Bagay pa rin sa kanya 'yong talk show, e. Kaya pa niya 'yan, e.
"May nag-offer na sa kanya ng gano'n?
"I mean, galing siya ng Channel 2, nag-Channel 7 siya. And now, sa TV5, di ba?
"I just wish na 'yong mga stations na ito, and people from the industry, ma-realize nilang kaya pa ni Eduardo.
"It's just 'yong right timing... anong show?
"Kasi nakita n'yo bago siya umalis noon sa Game KNB?, ang taas ng rating bago siya huminto dahil tatakbo siya [as vice president].
"Iyon ang sinasabi kong baka may mga wrong decisions.
"Pero ako, one thing I can tell you, si Edu, I'm sure alam din n'yo naman, e.
"Kung pag-uusapan is credible, magaling, hardworking, professional naman.
"You know soon... at this point, kailangan lang niya siguro ng right project, right timing, and right network."
PEP, Ruben Marasigan, Thursday, December 1, 2011 02:39 PM